Bagong taon na naman

Taghirap at puno ng kontrobersiya ang lumipas na taong 2007. Pero nagdala rin ito ng magandang pagbabago sa akin. Eto na ang long-delayed (parang Palm Web OS, kay tagal nating hinintay) New Year Entry ko. Simulan natin sa kategorya ng Buhay at Pag-ibig:

Noong Enero, magkakasama kami ni Mhay at ng kanyang parents na um-attend sa kickoff ng UP Centennial celebration. Magkakasama naming pinagmasdan ang makukulay na fireworks habang taas-kamaong umaawit ng UP Naming Mahal.

Nang sumunod na buwan, sinamahan namin ng tiyo ko si Nanay Diding sa isang ospital sa Lucena para ipatanggal ang tubig na nagpapasakit sa kanyang tuhod. Nakauwi rin ako sandali sa Marinduque ang ihatid ko si Nanay.

Continue reading

Maligayang Pasko!

Sa kabila ng kabi-kabilang kabalintunaan dito sa pugad ng ating luha’t dalita, nawa’y ang pagdiriwang natin ng araw ng kapanganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas ay magdala ng pag-asang magtatagumpay rin ang katotohanan at daratal din ang pagbabago at kapayapaang inaasam para sa ating bayan.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Pantay-pantay raw

Hanggang alas-tres ng hapon lang daw maaaring bisitahin si Senador Trillanes Antonio Trillanes IV sa custodial center ng Philippine National Police. Hindi raw siya bibigyan ng special treatment ngayong Pasko. Para raw ito masigurong pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng mga nakakulong doon.

Pantay-pantay? May ganoon pang pagkukunwari! Para namang hindi pinatawad ang rehimeng ito ng isang convicted plunderer na kailanma’y hindi umamin sa kanyang krimen. At para namang hindi ipinuslit mula sa kulungan ang isang Amerikanong nanggahasa ng isang Pilipina.

Sabagay, ano nga ba ang bago?