in Balita't Usapin, Bayani't Bayanihan

Sa araw ni Ninoy

Sa araw ni Ninoy, nauubusan ako ng mga salita. Buwan pa naman ng pambansang wika. Pagod lang siguro ako sa mga balita. Giyera at bagyo. Paulit-ulit.

Sa trabaho, kinakailangan kong balikan ang mga pangyayari sa Mindanao sa nakalipas na taon. At t nakita kong paulit-ulit lang. Away-bati ang GRP at MILF. Walang hanggang traiduran.

Samantala, sa may may Ilog Pasig, may nakaluklok pa ring mga maharlikang huwad — tulad din noong kapanahunan ni Senador Benigno Aquino, Jr.

Ito pa rin ba ang bansang pinag-alayan ng buhay ni Ninoy?

Post a reply

  1. nang ako ay naglilingkod pa sa isang himpilan ng radyo bilang taga-ulat, naranasan ko rin yan— ang magsawa sa balitang paulit-ulit-ulit. nakakasawa. minsan para na syang isang bangungot ng bayan. sana may bago naman para sa bayan.

    aajaos last blog post..honeymoon-ing

  2. maraming aral na pumasok sa utak ko ng aking nabasa ang naging marahas at masalimuot niyang buhay.
    salamat sa bayaning nag-iisa lamang.
    ninoy aquino