Masamang balita tungkol kay FPJ

Bago magtapos ang newscast ng Saksi sa GMA-7 ngayong gabi, nakunan ng pahayag si Sen. Jinggoy Estrada sa St. Luke’s, na kinaroroonan ng comatose na si FPJ. Nang tanungin siya ng reporter na si Sandra Aguinaldo kung bakit naluluha siya, parang ganito ang sabi niya: “Nangyari na ‘yata.” Nagmamadali ring nagsipasukan sa ospital ang iba pang mga artista. Baka malungkot–at masama, gaya ng pagsabog sa General Santos City–ang balitang gigising sa bansa mamayang umaga.

0 thoughts on “Masamang balita tungkol kay FPJ”

Leave a Reply