Guilty raw si Gloria

Guilty si Gloria Macapagal-Arroyo at dapat niyang lisanin ang tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, ayon sa Citizens’ Congress for Truth and Accountability (CCTA) na pinamumunuan ni dating Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona. Ang mga kasalanan ni Gloria, ayon sa CCTA, ay

– paglabag sa karapatang pantao;
– graft and corruption;
– at paghe-Hello Garci, este, pandaraya noong halalang 2004.

Ipinahayag ng CCTA’s Presidium ang kanilang findings and recommendations noong May 10, 2006, sa Kalayaan Hall ng Club Filipino sa North Greenhills.

Ang kanilang findings na nasa dokumentong “Findings and Recommendations of the Citizens Congress for Truth and Accountability” ay ang mga sumusunod:

• Nandaya si Arroyo at may sapat na basehan upang sabihing ang pagkakapanalo niya at ni Noli de Castro sa Cebu, Pampanga, Iloilo at Bohol ay dahil sa dinoktor o pekeng election returns.

• May pananagutan si Arroyo sa malawakan at sistematikong pagpatay, pagdukot, political persecution at iba pang paglabag sa karapatang pantao. Bilang Commander-in-Chief ng sandatahang lakas, in-encourage pa raw niya ang mga ganitong gawain. (Dahil siguro na-promote si Jovito Palpaparan?

• Nilabag daw ng Office of the President ang mga bata laban sa katiwalian nang gamitin ang pondo ng bayan sa kanyang pangagampana at sa mga transaksyon Venable LLp. contract at North Rail Project.

• Ang mga krimeng ito ang pagkuwestiyon sa pagiging lehitimo ng kanyang pagkapangulo ay sinalubong ng pagtatakip at panunupil ng estado.

Nag italaga raw na Comelec commissioner si Virgilio Garcillano, naikasa na ang pandaraya sa eleksyon. May P7.3 bilyong piso raw na pondo ng bayan ang ginamit sa mga programa ng gobyerno kaugnay ng eleksyon gaya ng Ginintuang Masagana Ani program (P728 M), Kalsada Natin, Linisin Natin program (P1.6 B), at Greater Medicare Access program ng PhilHealth at PCSO (P3 billion).

Ayon pa sa CCTA, tunay raw ang Hello Garci tapes base sa mga nakalap nilang ebidensiya.

The body recommended as follows:

Ang mga sumusunod ang mga rekomendasyon ng CCTA:

1. Lisanin ni Arroyo ang Tanggapan ng Pangulo upang mapanagot siya sa kanyang mga ginawa.

2. Lumikha ng isang opisyal na prosesong aalam sa katotohanan at sa pananagutan ng iba pang opisyal na kasangkot sa pandaraya, katiwalian at paglabag sa karapatang pantao. Hihikayatin daw ang susunod na gobyerno na imbestigahan at panagutin ang mga opisyal na ito.

3. Pagsikapang masampahan ng kaso sa tamang ahensiya, at kung mapatunayang nagkasala ay maparusahan,a ng lahat ng mga kasangkot.

4. Maglabas ng pahayag na hihikayat sa international community bawiin ang suporta at pagkilala sa rehimeng Arroyo.

5. Sampahan ng kaso si Arroyo sa United Nations dahil sa paglabag sa karapatang pantao at
international humanitarian law.

6. Manawagan para sa pagbabago ng mga nararapat na batas upang maisulong ang kasarinlan at demokratikong karapatan ng mga mamamayan. Kabilang sa mga hihingin ang reporma sa mga batas tungkol sa proseso ng halalan, pagbabago sa criminal justice system, at ibayong pakikiisa ng mga mamamayan sa pamamahala.

7. Labanan ang Cha-cha ni Arroyo na magbabasura sa mga isyung dinadala ng CCTA at magiging balakid sa mga pagbabagong isinusulong nito.

8. Magsagawa ng iba pang pagkilos at gawain tungo sa katuparan ng mga layunin at recomendasyon ng CCTA.

I-download ang “Findings and Recommendations of the Citizens Congress for Truth and Accountability”:

0 thoughts on “Guilty raw si Gloria”

  1. minsan magtataka me kung sino ba talaga ang gusto nilang pangulo. baka gusto nila ung perfect na tao ang maging pangulo ng Pilipinas. Pero iisa lang ang perfect na tao e, si Cristo lang, at tayo ay mga ordinaryong tao lang na nagkakamali at nagkakasala.

    Sige palitan natin si Gloria, sino ang ipapalit? Okay, ilagay natin si De Castro. Then, after 3 months magEDSA na naman tayo para paalisin si De Castro. Sino naman ilagay natin. Ahh baka naman gusto nila buhayin si Cardinal Sin at siyang gawing pangulo.

    Kaya nalilito na me. Noon pinaalis si Erap, inilagay si Gloria. Tapos ngayon naman paalisin…. ano ba to?

  2. The way I see it, it’s another case of a delusional “organization” of wannabe heroes who are out to “represent the interests of the majority”. It’s getting tiresome already *yawn*. Move on.

  3. Benj, our nation can never get out of the shit that we’re in until we learn that without justice, there could be no genuine reconciliation.

    Di ba, Lordan?

  4. hey……mga tol alam nyo ang hirap sa ating mga pilipino wala tayong satisfaction, kpag di nasunod ang gusto hala punta sa edsa magrally.

Leave a Reply