Archive for the ‘Talumpati’


Published October 15th, 2007

Basura

Bloggers Unite - Blog Action Day

Di man ako modelo ng isang tunay na environmentalist–may mga gawain akong di maiwasan gaya ng pagkain sa mga fastfood na gumagamit ng styro, at iba pang mga bagay–may isang gawi ako na kahit paano’y maliit sigurong ambag para sa kalikasan. Eto ang mala-talumpating pagtalakay ko tungkol dito para sa pandaigdigdang Blog Action Day for the Environment:

Kapag nasa dyip ako at may batang biglang nagtapon sa bintana ng balat ng kendi, nagugulat ako. Kapag matanda, ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin nang masama.

Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ika nga ng isang lumang kanta. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, e kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di naman maaaring humalo nang kusa sa lupa. (more…)

Published October 14th, 2007

Burador ng Pambungad na Pananalita sa Bloggers’ Kapihan 2.0

Bloggers’ Kapihan 2
October 13, 2007
Ramon Magsaysay High School-Cubao

Opening Remarks (Draft)
ni Ederic Eder, Tinig.com

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Nagpapasalamat ang Bloggers’ Kapihan Crew sa inyong pagdalo ngayong hapon.

Binuo ng BK crew ang Bloggers’ Kapihan upang magkaroon tayong mga blogger ng regular na EB–sino ba’ng di mahilig mag-eye ball dito?–na may libreng meryenda at kape.

Pero di lang ‘yan–bukod sa EB, sa BK ay mapag-uusapan din ang mahahalagang isyung may kaugnayan sa buhay nating mga Interned addict, mga netizen, at mga blogger. Layon ng BK na talakayin ang mga usaping makakaapekto sa blogosphere at sa mas malawak na sektor ng mga kabataan.

(more…)

Published October 10th, 2007

Talumpati ni Ka Bel tungkol sa umano’y tangkang panunuhol sa kanya upang i-endorso ang impeachment complaint laban kay Arroyo

“The impeachment complaint filed by Atty. Ruel Pulido and endorsed by Rep. Edgar San Luis is a sham complaint; a sinister plot by Malacanang to protect the President,” ayon kay Anakpawis Rep. Crispin B. Beltran.

Nasa ibaba ang buong texto ng kanyang talumpating binigkas sa House of Representatives kahapon:

(more…)

Published December 6th, 2006

May Hiya

Bahagi ito ng paliwanag ni Rep. Erin TaƱada sa kanyang pagboto ng NO sa mosyong tanggalin ang isang bahagi ng House Rules:

{I]pinakita po natin sa buong sambayanan kung paano natin nilalabag ang ating sariling patakaran para lang tumugon sa pansariling interes.

Mr. Speaker, ito po ay isang nakakalungkot at nakakahiyang araw para sa malaking kapulungang ito. Para sa akin, ang tamang dapat gawin ay tutulan ang mosyon ng Deputy Majority Floor Leader.