Tina Monzon-Palma started GMA Public Affairs 20 years ago, along with then associate producer and now Senior Vice-President of News and Public Affairs Marissa Flores.
Tina Monzon-Palma started GMA-7’s Public Affairs Department 20 years ago, along with then associate producer and now Senior Vice-President of GMA News and Public Affairs Marissa Flores.
GMANews.TVSinong mag-aakalang sa isang maliit na locker room lang nagsimula ang isa sa mga pinakarespetadong media organization ngayon?

Isang taon matapos ang makasaysayang EDSA Revolution, binuo ng GMA Network ang Public Affairs Department sa pangunguna ni Tina Monzon-Palma. Ayon kay Monzon-Palma, noong panahong iyon, “Nagkaroon ng napakalakas na pangangailangan ang mga tao na marinig ang lahat ng nangyayari sa bagong gobyerno, anong nangyayari dun sa mga taong napatalsik as a result of people power at nakita rin namin na hindi sapat ang kalahating oras ng balita. Doon nabuo ang departamento noong 1987.”

Limang tao lang ang production staff ng Public Affairs noon, at pawang mga fresh graduates pa. Kasama sa lima ang ngayo’y Senior Vice President ng GMA News and Public Affairs na si Marissa Flores. Bagamat wala pa silang gamit, kahit kamera, at wala lalong karanasan sa paggawa ng programa, pilit nilang itinaguyod ang departamento noon. At sa maniwala kayo o hindi, sa locker room nga ng mga cameraman sila unang nag-opisina!

“Unique yung kuwarto na iyon kasi labas masok ang mga cameraman ‘dun. So limang tao kami nun nasa isang maliit na kuwarto na may labas masok na cameraman na nagbibihis na pawisan na binabati-bati kami every so often. We were really encroaching sa space nila, ganun kaliit na kuwarto” ani ni Flores.

Sa mga special reports nagsimula ang Public Affairs. Ang unang pagsabak ng departamento sa paggawa ng malalimang ulat ay ang “Inside Congress.” Ginawaran ito ng Best Documentary ng Catholic Mass Media Awards.

Sumunod na ang paggawa ng Public Affairs ng mga talk show. Ang Weekend with Velez ang kauna-unahang station-produced public affairs program, na kalauna’y naging Velez this Week. Sinabayan ito ng mga co-production gaya ng Firing Line ni Teddy Benigno, Issues and Answers kasama ni Art Borjal, Viewpoint ni Dong Puno at The Probe Team ni Cheche Lazaro.

Tumatak sa publiko ang mga dekalibreng programa ng departamento at umani sila ng parangal. Sa Pilipinas, GMA Public Affairs pa lamang ang nagwagi ng dalawang Gold World Medal mula sa New York Festivals at ang George Foster Peabody Award, ang pinakaprestihiyosong award para sa larangan ng investigative journalism.

Sa ngayon, mayroon nang labing-anim na programa ang departamento, kabilang ang award-winning late night block na binubuo ng I-Witness, Reporter’s Notebook, Palaban, 100% Pinoy at Emergency. Kabiland din ang nangungunang palabas sa umaga, ang Unang Hirit at primetime programs Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador. Siyemore, kasama pa rin ang ibang magazine programs, children’s shows, travel documentaries at reality shows.

Binubuo na rin ito ng mahigit sa 500 production staff at crew, malayong-malayo na ang narating, kumpara sa dating Public Affairs noon. Ang lahat ng ito, dahil sa pagpupursigi ng mga taong bumubuo sa departamento at sa mga prinsipyong itinaguyod nila.

Ayon kay Monzon-Palma, “Hindi lumilihis ang grupo sa basic na prinsipyo ng paggawa ng isang magandang kuwento in a story form, in a magazine form, in a talk show form, in a debate form. Kailangan makuha nila yung isyu, ilagay sa tamang perspektibo, maging objective at maging balanced sa pagpapahayag nito. I think that has kept it not just where it was 20 yrs ago but it has grown and elevated itself to an even higher level of professionalism.”

Bilang pagdiriwang sa dalawampung taon ng paghahatid ng Serbisyong Totoo, ihahatid ng GMA Public Affairs ang pinaka-hindi malilimutang istorya ng departamento sa nakalipas na dalawampung taon. Muling balikan ang mga eksena at kuwentong gumulantang sa publiko at gumising sa gobyerno, at sariwain ang pinagmulan ng departamentong pinagkakatiwalaan ninyo ngayon.

Ang “20: Dalawampung Taon ng GMA Public Affairs,” espesyal na handog ng GMA Network ngayong Oktubre 28, Linggo, 10:30 ng gabi.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center