Ladies, win a date with Andrew Wolff

Andrew WolffSa mga binibining nag-iisa sa gitna ng init ngayong summer, dahil sa kababasa sa mga pinagsususulat ko ay maaaring naisip na ninyo ang ako’y makapiling. Subalit huwag — ang kaguwapuhan ko is not real; it is a lie from the devil!

Seriously, busy ako at taken na. Pero may pinsan ako — apo ng kapatid ng lola ko — na tall, tisoy, and handsome — saka single and ready to mingle, sa pagkakaalam ko. At sweet pa!

Kung ikaw ay babaeng at least 18 years old at gumagamit ng Finesse hair care products, maaari kang magkaroon ng pagkakataong makasama siya.

Basahin after the jump ang mga detalye para manalo ng isang hot date ngayong tag-init with Finesse hunk Andrew Wolff:

Continue reading

Paalam, Perry

Perry Calara

Perry Calara has succumbed to cancer. A great light has just gone out in the universe.

Nagulat ako nang mabasa ko ‘yan sa Twitter ni Rep. Teddy Casiño ngayong gabi. Wala na pala si Perry — isang makabayang manunulat at aktibista mula sa Kabikulan.

Bagama’t hindi kami nagkakilala ni Perry nang personal, isa siya sa mga nakasalamuha’t nakasama ko sa matagal-tagal ko na ring paglalakbay sa cyberspace. Ang kanyang Kaiba News and Features ay naging katropa ng aking Tinig.com. Inilathala namin sa Tinig ang mga isinulat nila sa Kaiba. Isang artikulo tungkol sa Bikolanong bayaning si Simeon Ola ang pinagtulungang sulatin nina Perry at ng kaibigan at ka-Tinig kong si Alex Remollino, na pumanaw rin noong isang taon. Mababasa pa rin sa Tinig.com ang iba pang akda ni Perry.

Continue reading

Pacman, panalo na naman!

Napapansin ko lang na lagi akong nagba-blog tuwing kakapanalo lang ni Manny Pacquiao. At gaya nang dati, binabati ko ang sambayanang Pilipinong kinabahan para kay Pacquiao, para makita lamang si Joshua Clottey na ginawang punching bag ng ating Pambansang Kamao.

Congratulations, Team Pilipinas, Team Pacquiao, at siyempre, sa Team Jinkee. Ganundin kay Nanay Dionisia.

Melason

Share ko lang ang article ko tungkol sa love team na kinagigiliwan ng lahat, ang Melason. Minahal ng mga manonood sina Melisa Cantiveros at Jason Francisco sa loob ng Pinoy Big Brother house. Sa kanilang paglabas sa “Bahay ni Kuya,” sinalubong sila ng pagmamahal ng napakaraming fans. Bakit nga ba sila patok, at pati ako’y naadik sa panood?

Basahin ang “Melason” dito, at panoorin ang mensahe nila sa kanilang mga tagahanga.

Mga dilaw na laso para kay Tita Cory

Yellow ribbon

Sa kanyang paglisan, ihinatid natin si Pangulong Corazon Aquino sa pamamagitan ng mga dilaw na laso.

Noong Agosto 1983, yellow ribbons din ang ipinansalubong ng mga Pilipino sa kanyang asawang si Ninoy.

Pinangunahan ni Salvador Laurel — na pagkatapos pagsapit ng 1986 ay magiging vice-president ni Cory — ang pagsalubong kay Ninoy. “Tie a Yellow Ribbon ‘Round the Ole Oak Tree” ang naging theme song ihinandang welcome, ayon kay Angela Stuart-Santiago, may-akda ng EDSA: The Original People Power Revolution.

Nagtali ang mga tagasuporta ni Ninoy ng yellow ribbons sa airport, sa mga poste at puno sa gilid ng kalsada para makita ni Ninoy kung gaano kasaya ang mga Pilipino sa kanyang pagbabalik. “It was sad that Ninoy never saw those ribbons,” ani Stuart-Santiago said. Pinatay si Ninoy pagbaba niya sa eroplano.

Ginamit ni Cory ang dilaw bilang kulay ng pagsalungat. Ito na rin ang naging kulay ng kaniyang presidential campaign at ng unang EDSA Revolution na nagpabagsak sa diktaturang Marcos.

Continue reading

Mga pamana ni Pangulong Cory Aquino

Kagabi, in-overtake ang sinasakyan kong taxi ng mga motorsiklong may wang-wang. Kasunod nila’y ilang magagarang kotseng may wang-wang din. Napilitan pang huminto ang isang bus para bigyan sila ng daan. Malamang ay may sakay na VIP—posibleng opisyal ng gobyerno.

Naalala ko si Pangulong Cory Aquino. Marahil ay hindi niya magugustuhan ang ganoon. Nang papunta siya sa Club Filipino noong 1986 para manumpa bilang bagong pangulo, ang kanyang sasakya’y “maingat na tumitigil sa bawat pulang ilaw kahit halos walang trapiko,” ayon sa aklat na “Walang Himala” ni Angela Stuart-Santiago.  Pagkatapos ng seremonya ng paglilipat ng pagkapangulo kay Gen. Fidel Ramos noong 1992, tinanggihan ni Tita Cory ang presidential car na dapat sana’y maghahatid sa kanya sa bahay. Ganyan sana ang mga lider natin ngayon.

Dahil sa paglala ng kanyang kalagayan, gaya ng maraming Pilipino’y lagi ko ring naiisip ang dating pangulo nitong mga nakalipas na araw. At kaninang umaga, balita ng pagpanaw niya ang gumising sa akin. Umuwi na si Pangulong Cory, at siguro’y dilaw rin ang nangingibabaw na kulay sa lugar na kanyang pinatunguhan at masaya siyang sinalubong ng kanyang asawang si Ninoy. Nakakaharap na niya ang Lumikhang naging bukal ng kanyang lakas at pananampalataya.

Continue reading

Panalo na naman si Pacman

Kanina, habang nakikinig sa radyo — wala kaming pay-per-view at di ako makagamit ng Internet — ng coverage ng laban ni Manny Pacquiao, naalala ko ang namayapa kong lolo na si Tatay Andoy. Nakakaaliw siya kapag nanonood ng boksing noong bata pa ako. Medyo maingay siya, at napapasuntok pa sa hangin. Kanina, para siguro akong si Tatay Andoy.

Paano ba namang di ka mapapahiyaw sa pakikinig — hindi pa yan panonood, ha — kung sa unang round pa lang ay dalawang beses bang natumba ang kalaban? At sa ikalawang round pa lang, na-knock out na agad ni Manny Pacquiao si Ricky Hatton.

Panalo na naman si Pacman. Napasama pa nga siya sa Trends o popular keywords ng Twitter kanina. Pati mga artista sa Hollywood, namangha. Nasa mapa na naman tayo. Dininig ng langit ang mga dasal ni Aling Dionesia. Masaya na naman ang bayan ng Pambansang Kamao. Congrats, Manny; congrats, Pinas!

Francis Magalona, 44

Francis Magalona (Photo from Wikipedia)

Francis Magalona (Photo from Wikipedia)

Nang pumanaw si Francis Magalona noong March 6, gaya ng marami ay nagulat at nalungkot ako. Ang inaasahan ko’y mababalitaan na lang nating magaling na siya at naghahanda nang lumabas sa ospital.

Ngunit iba ang nangyari.

Pero sa gitna ng pagluluksa ng bansa, lalo namang nangibabaw ang impluwensiya ni Francis M sa henerasyong ito.

Binaha ng comments ang kanyang blog at napakarami ng nag-search ng pangalan niya sa Web.

Kahit saan ka pumunta, maririnig ang kanyang mga awitin, lalo na ang Kaleidoscope World — sandaang libo ang nakikanta nito sa pinakahuling concert ng Eraserheads.

Sa mga mensahe ng kanyang mga kaibigan at tagahanga, mababasa ang pasasalamat sa inspirasyong ibinigay niya. Napanood ko rin sa Eat Bulaga kung paanong may mga kabataang dati’y walang magawa, ngunit nagkaroon ng direksyon ang buhay mula nang matagpuan ang kanyang uri ng musika — ang rap.

Continue reading