Published May 26th, 2008
Si Prof. Luis Teodoro at ang pananagutan sa blogging at peryodismo
Nitong mga nakalipas na araw, sunud-sunod na batikos ang ipinukol ng ilang bloggers kay Prof. Luis V. Teodoro matapos iulat ng abs-cbnNEWS.com na sinabi niyang dapat mag-blog ang mga peryodista upang maging halimbawa ng iba sa Internet.
Si Dean Teodoro o LVT ay dating dekano ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas, at guro’t idolo ng maraming peryodistang sinanay niya sa UP, kabilang na ako.
Unang pumutak si Dean Jorge Bocobo ng Philippine Commentary. Sa isang malinaw na halimbawa ng walang tuos at di-makatotohanang panulat, iniugnay niya sa CPP-NPA at sa publikasyong ng Ang Bayan si Prof. Teodoro at tinawag na “leftist” ang Center for Media Freedom and Responsibility — na dati kong pinagtatrabahuhan.
Inatake rin nang todo ni Bocobo ang mainstream media at ang corruption dito. Pinaliguan din niya ng papuri ang blogosphere samantalang sinabing nagiging extinct na ang media.








