May tanong ang PinoyCentric.com para sa kanilang Pinoycentric and Avalon.ph Moleskine Giveaways: “What makes you proud to be Pinoy?”

Eto ang sagot ko:

People Power

Maraming dahilan para maipaglaki ang ating pagiging Pilipino — ang ating mga katangian, ang mga kababayan nating nakikilala sa buong mundo, ang ating kalikasan.

Isa sa mga pinakagusto ko ay ang ideya ng people power. Ini-invoke ang people power kapag nagbe-break down ang democratic institutions. Nai-describe ito nang maayos sa kantang “Handog ng Pilipino sa Mundo”:

Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta’t magkaisa tayong lahat.

Nung mangyari ang EDSA People Power noong 1986, na powered ng Pinoy concept ng bayanihan, naging inspirasyon tayo ng iba’t ibang bansa sa mundo. Sa atin unang nangyari yan, at ginaya tayo ng iba pang mga bansa.

Recently lang, nakita natin ang people power sa loob ng democratic institution — eto yung nangyari sa US elections.

Hanggang ngayon, may effect pa ng People Power na nakikita natin sa Thailand. Pati nga colors ng 1986 Revolution natin, kuhang-kuha nila.

Oo’t may mga magsasabi na kesyo walang nabago ang EDSA 1, pati na rin ang EDSA 2. Pero ang ganoong kinalabasan ay bahagi ng mga kumplikasyon ng kasaysayan. It’s complicated, sabi ng sa Friendster. Pero yung mismong event, yung mismong sama-samang pagkilos ng mga tao para mag-alsa at isulong ang pagbabago, asteeg yun.

Ang people power ay isang tatak-Pinoy that makes me proud to be Pinoy.

Kayo, what makes you proud to be a Filipino? I-share naman ninyo sa PinoyCentric.com. Dahil sa simpleng sharing na yan, baka manalo tayo ng Moleskine® notebook.

Dati, na-curious ako kung ano bang meron yang Moleskine® notebook at laging bukambibig ng mga kaibigan ko. Siyempre, nag-online research ako at nalaman ko ang kasaysayan nito. Napabilib din ako, at gusto ko na ring magkaroon nito. Yun nga lang, medyo mahal, kaya saka na lang kako. Pero kung libre, sino ang aayaw, di ba?

Ang Pinoycentric.com ay isang web publication that celebrates “all things brown and beautiful” at ang Avalon.ph naman ay auction at shopping site para sa mga libro at Moleskine® notebooks.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center