Nakaisang milyong customers na ang all-digital bank na Tonik. Mahalagang milestone ito para sa Tonik at magandang balita rin para sa pagsisikap na maabot ang financial inclusion gamit ang digital technologies sa Pilipinas.
“This achievement illustrates the bank’s successful contribution to improving financial inclusion in the country, while highlighting the emerging trend of digital banking in the region,” ayon sa Tonik sa isang press release.
Ibinida naman ni Greg Krasnov, CEO at founder ng Tonik, na patunay ito ng aniya’y matatag na customer-centric model na ihinahandog ng Tonik.
“Achieving one million onboarded clients in such a short span is a validation of the growing trust and confidence of the Filipino community in our digital banking services,” ani Krasnov. Inilunsad sa Pilipinas ang tonik noong Marso 18, 2021.
Halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang di pa naseserbisyuhan ng mga bangko. Ayon sa Tonik, nagpapakita ng pag-usad ng mas inclusive na banking practices sa bansa ang kanilang paglago. Naniniwala ang Tonik na nakatulong sa pagbabagong ito ang kanilang walang hassle na onboarding process, iba’t ibang financial products, at makabagong serbisyo.
“Financial inclusion has always been at the heart of our mission,” dagdag pa ni Krasnov. “We are proud to be part of the solution in bridging the gap for those who previously had limited access to banking services. Through Tonik, we are enabling more Filipinos to manage, save, and grow their money in a manner that is most convenient for them.”
Ayon sa Tonik, patuloy itong nag-i-innovate at pinagaganda pa ang digital offerings nito para mas makapaglingkod sa magkakaibang pangangailangan ng mga Pilipino. Dagdag pa ng bangko, nananatili itong nakatutok sa misyong ilapit ang pagbabangko sa mga Pilipino sa makabago at maginhawang paraan para makalikha ng isang lipunang ingklusibo at may kakayahang pananalapi.
Tonik ang pinakaunang digital-only neobank sa Pilipinas. Pautang, deposit, at payment products ang iniaalok nito sa mga customer. Ito ang nakatanggap ng unang digital bank license na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
May 13, 2024
Savers Group celebrates partnerships, launches brands
Chairman Jack Uy also "passes the baton" to sons Jansen and Justine.
March 7, 2024
DHL Express rolls out more electric vehicles in PH
25 new EVs will reach provincial areas like Cebu, Subic, and Clark.