Dito sa Pilipinas

Sampung bahagdan na ng ating populasyon ang nasa labas, pero napakaraming Pilipinong nagkukumahog paalis. Kawalan ng trabaho at pagkakataon ang kadalasang reklamo. Hindi natin masisisi ang karamihan sa mga nagnanais lumabas ng bansa at magtrabaho nang ilang panahon sa ibayong dagat. Kailangan nilang buhayin ang kanilang pamilya. Sabi rin ng gobyerno, tumutulong sila sa ekonomiya dahil sa mga padala nila.

Pero nakapanlulumo iyong mga gusto nang manirahan sa ibang bansa, lalo na kung sila ‘yung mga mapapalad na nakapasa sa entrance test ng Unibersidad ng Pilipinas at naging iskolar ng bayan, o iyong mga di man paaral ng bayan ay mga topnotcher sa board exam ng kanilang propesyon. Hindi kapani-paniwalang kakapusin sila ng pagkakataon. Continue reading