Liham kay Lt. SG Antonio Trillanes IV

Antonio Trillanes IV (Photo from Philippine Star)

Bilib din ako sa tapang nina Trillanes at nakikiisa ako sa kanilang krusadang ubusin ang mga corrupt — teka, kay Joker ata yun ah, hehe — sa AFP.

Makatuwiran at makatarungan ang kanilang ipinaglaban. Mas kapani-paniwala ang mga kabataang ito — mga kabataang tulad natin — kaysa sa mga mukha ng kabulukan at kasinungalingan na nagmamaganda at nagpapakabida sa mga ugnayang pangmadla.

Sumasang-ayon din ako na ang dapat sana’y maaaring pagbabagong idudulot ng kanilang pagkilos ay mas nakahihigit sa ang umano’y masamang epekto ng kanilang ginawa sa ekonomiya.

Ngunit sa kabila nito, ang liham sa ibaba ay nakapagpatawa sa akin nang mabasa ko ito. Dahil aliw, ipinost ko ito rito at at ifinorward sa iba ko pang mga kaibigan. Ang tingin ko kasi rito ay hindi naman talaga pang-iinsulto. Mas ikino-consider ko ito na bunga ng kultura nating mga Pinoy, na kinabibilangan ng pagiging kuwela sa alinmang sitwasyon. Parang seryosong komentaryo ito sa nangyari na itinatago sa likod (o gitna?) ng nakatatawang pang-iinis.

Continue reading

"Kudeta"

Maagang-maaga kanina, sinakop at tinamnan ng bomba ng may 20 sundalong nakasuot ng pulang arm band ang isang bahagi ng Ayala Center sa pagitan ng Hotel Intercontinental at ng Oakwood condo-hotel.

Sa pahayag sa mga taga-media, sinabi ni Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes na ginawa nila iyon upang protektahan ang kanilang sarili laban sa pamahalaang Arroyo, na kanila nang itinatwa. Nais umano ng gobyerno na pigilan ang kanilang nalalaman.

Kagabi, ibinunyag ni Pangulong Arroyo ang pagtatangka umano ng isang grupo ng mga sundalo na magkudeta, at iniutos ang pagdakip sa mga ito.
Continue reading