High school friends

“Friendship isn’t about whom you have known for the longest time and spent most of your life with… it’s about who came to stay, and never left your side,” sabi ng isang text message sa Our Daily Txt. Tama nga naman iyan. Kumbaga, walang iwanan.

Pero puwede ring sabihin na ang pakikipagkaibigan ay masusukat sa kung paanong sinisikap ng bawat isa na maituloy ang ugnayan sa kabila ng maraming panahong nagdaan. At sa panahong ito ng kawing-kawing na mundo, isang text o click lang ang layo natin sa mga dating kaklase, kapit-bahay o katrabaho minsa’y naging malapit na kaibigan.

Continue reading

Reunion

Unang nalathala sa Pinoy Gazette

Noong nasa high school pa ako, gaya ng karaniwang teenager ay ninais ko ring mapabilang sa isang grupo o barkada. ‘Yun bang mga kasangga, kasama sa pagtambay at sa pag-aaral na rin. Lahat yata ng mga kabataan ay ganyan. Naghahanap ng “belongingness” o pagiging kabahagi ng isang grupo.

Minsan, naiisip ko ngayon na kung tutuusin, dapat ay mayabang ako noong high school. Kahit kasi pinagkaitan ako ng kaguwapuhan, ako naman ang nangunguna pagdating sa academics. Pero sadyang kapag high school, tila mas sikat talaga ang mga may hitsura at aktibo sa sports. Kahit pa magaling ka at aktibo rin naman sa extracurricular activities, negative pogi points talaga kapag di ka pogi. Read more »