“Friendship isn’t about whom you have known for the longest time and spent most of your life with… it’s about who came to stay, and never left your side,” sabi ng isang text message sa Our Daily Txt. Tama nga naman iyan. Kumbaga, walang iwanan.
Pero puwede ring sabihin na ang pakikipagkaibigan ay masusukat sa kung paanong sinisikap ng bawat isa na maituloy ang ugnayan sa kabila ng maraming panahong nagdaan. At sa panahong ito ng kawing-kawing na mundo, isang text o click lang ang layo natin sa mga dating kaklase, kapit-bahay o katrabaho minsa’y naging malapit na kaibigan.
Nitong mga nakalipas na linggo, napapadalas ang pakikipag-text ko sa mga kaklase ko noong elementary at high school. Yun kasing isang kaklase namin — si Ancia na laging muse ng school noong elementary kami at na-link sa pinsan ko dati — ay napakasipag na mangolekta ng numbers ng mga dating kaklase at ipinapasa ang mga ito sa iba pang kaklase.
Ilan mga high school classmate na ito ay mga malalapit kong kaibigan noon, na ngayo’y minsan-minsan ko na lang na makita. Sa mga pinakamalalapit sa akin, noong isang taon pa ang huling reunion namin. Yung iba, may ilang taon na yatang di ko nakita. Dahil sa text messages at sa Friendster, muli kaming nagkakakuwentuhan at nagkakabalitaan. Maliban kay Rodel na mula nung magtapos kami ng high school ay nanatiling laging nariyan, karamihan sa kanila’y di ko laging nakakausap. Natutuwa ako’t connected na ulit kami ngayon.
May kitaan nga ang magkakaklase sa isang linggo kasi birthday ni Ancia. Makikita na rin namin ang apat niyang mga anak. Nasa dalawampu ang inaasahang dadalo sa kitaan. Ewan ko lang kung may magsasama ng mga asawa’t tsikiting. Sana makapunta ako.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
*** -=’Nyz bLOg.. nyz stOry… ‘kep ‘8 ‘up… ‘=- ***
eow po..pwedeng gwan nio po ko ng 4 0 3 talumpati tungkol sa wika…kylngan ko na po bukas…maraming slmat po…please po…..