Categories
Buhay at Pag-ibig Sining at Musika

Eraserheads Live!: The Final Set

Hindi kami nakapunta sa unang reunion concert ng Eraserheads noong Agosto. Masyado kasing malapit sa payday yung date ng concert. Nakibalita na lang ako noon sa Internet, nagulat nang maputol ito, nag-alala dahil sa nangyari kay Ely Buendia.