“Whatever comes our way, whatever battle we have raging inside us, we always have a choice. My friend Harry taught me that. He chose to be the best of himself. It’s the choices that make us who we are, and we can always choose to do what’s right.” –Spider-Man/Peter Parker

Kanina lang namin napanood ang Spider-Man 3. Kahit sa tingin ko’y mas okay ang ikalawang Spider-Man, nag-enjoy rin naman ako rito sa ikatlo. Asteeg pa rin sina Tobey Maguire bilang Peter Parker at Kirsten Dunst bilang Mary Jane Watson.

Maliban sa quote sa itaas, gusto ko rin ‘yung sinabi ni Aunt May (Rosemary Harris) kay Peter matapos magkaletse-letse ang buhay nitong huli dahil sa mga pagkakamali niya: “You start by doing the hardest thing, you forgive yourself.”

Di ba nga, sa anumang aspeto ng ating buhay–sa mga relationship, sa pamilya, sa pakikipagkaibigan, sa trabaho–nakakagawa tayo ng mga pagkakamali. Minsan naaadik tayo sa kamalian. Minsan mahirap magsimulang muli. Pati paghingi ng tawad sa Kanya, mahirap. Pero kung sisimulan sa pagpapatawad sa sarili, baka nga mas gagaan ang muling pagsasaayos sa mga bagay-bagay.

Medyo nainis lang ako sa kuwento noong mamatay ang best friend ni Peter na si Harry (ginampanan ni James Franco). Parang kailangan pa ba ng dagdag na drama’t dapat mamatay ang kaibigan niya kung kailang nagkaayos na sila ulit? Tama bang palungkutin ang mga manonood? Paano naman ang mga jologs na tulad kong addict sa happy endings? Sabagay, kahit hinaluan ng pagluluksa, masaya pa rin naman ang katapusan para kina Peter at Mary Jane, kahit medyo tipong “ah so yun na yun?” ang dating.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center