Nakabitan na ako ng Smart Bro kaninang tanghali lang. Medyo naghintay ako para makabitan at sa pagkakabit, pero so far mas mabilis na nga ang connection ko kaysa sa dating dial up.

Nagbayad ako sa Smart ng P1,999 noong Lunes, at tinawagan nila ako noong Martes. Sabi’y kakabitan daw ako sa Linggo (bukas), kaya hinirita ko ng Sabado. kako’y ‘di ba’t tatlo hanggang apat na araw lang dapat ay makakabitan na ako? At dumating nga ang mga magkakabit bago magtanghali kanina. Nang abutan ko sila sa bahay galing sa labas, nasa bubong na sila at ikinakabit ang antenna. May kalahating oras pa siguro bago napagana ang connection ko.

At ngayon, tini-test drive ko na ang Smart “wifi” connection ko. Okay siya sa loading ng webpages. Di na ako naghihintay. May buffer time sa pagpe-play ng video sa YouTube, pero ok lang ‘yun. Mabilis na ang Gmail, Friendster, at mga forums. Maasikaso ko na ang Tinig.com lagi. Pero sa actual na pagda-download ng files, mukhang mas maayos lang nang konti kaysa sa dialup. Mapagtitiyagaan pa naman kahit may pakiramdam akong unti-unti siyang bumabagal. (Ni hindi ko nga nakitang nagsimula sa 1000++ KB/second) Sana praning lang ako. Ayokong matulad sa dose-dosenang bad trip na mga subscriber na tumatambay sa Smart WiFi Chronicles. Dahil kapag nangyari ‘yun, sabi ko kay Tonyo na kasama ko sa TXTPower, aawayin ko ang mga kaibigan ko sa Smart, pati na si Tito Mon!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center