Isa sa mga pinakapatok na lugar para sa small business ay ‘yong malapit sa eskwelahan. Kung ang small business mo ay located within a school area, siguradong marami kang magiging customers at may tatangkilik sa mga tinda mo.
Pero bukod sa sari-sari store, ano-ano nga ba ang mga patok na negosyo kung ikaw ay malapit sa school zone? Ito ang mga small business ideas para sa mga nakatira malapit sa eskwelahan:
Filipino street food
Isa sa mga paborito ng mga mag-aaral, high school man or elementary, ang mga Filipino street food. Hindi mawawala sa culture ng bawat estudyante na bumili ng after-school merienda! Kaya naman siguradong patok ang street food business sa ganitong location.
If you’re starting on a slightly smaller budget, maaari ka magsimula sa fishball and kikiam business. Maliit lang ang puhunan na kailangan sa mga produktong ito.
Kung kaya mo namang sumugal sa mas mataas na puhunan, maaari kang mag-invest sa mas unique na merienda ideas tulad ng waffles, donuts, cheese sticks, at french fries business.
Milk tea
Mayroon pa bang Pilipino na hindi mahilig sa milk tea? Naging bahagi na ng merienda at snack ng bawat Pilipino ang milk tea. Bukod sa enticingly sweet na lasa, swak din ang cold drink na ito para sa Philippine weather!
Ang maganda sa isang milk tea business ay ang different price points at possible costs nito. Depende sa iyong target market, puwede kang magbukas ng affordable milk tea shop na sakto sa budget ng mga school kids and teens!
Coffee shop
Kung ikaw naman ay malapit sa mga high school campuses or universities, siguradong patok na small business ang coffee shop. You can have your business in two ways: una ay mag-offer ng affordable coffee servings or isang coffee shop na “aesthetic” at darayuhin ng teenage customers!
School and office supplies
Hindi mawawala ang school and office supplies sa mga school area. Isa sa mga positive sides ng ganitong negosyo ay non-perishable goods karamihan ng iyong produkto. Kaya walang lugi kahit sa mga araw na mahina ang iyong benta.
Pisonet
Isa pa sa mga patok na negosyo sa kabataan ngayon ay mga pisonet ato online gaming. Maaaring malaki ang puhunan na kailangan para makabili ng mga pisonet setup, pero matagal rin naman tumatagal ang bawat computer set. Ang maganda pa rito ay siguradong mayroon kang clients lalo na pagkatapos ng klase!
Game credits
Kaugnay ng online gaming ay ang game credits. Maaari kang maging retailer ng game credits at in-app purchases na talaga namang pinag-iipunan ng gamers. Ang good side pa ng pagiging reseller ng game credits ay hindi gaanong matrabaho ang pagiging reseller nito.
Printing and photocopy services
Katulad ng school supplies, siguradong swak din sa mga pangangailangan ng mga estudyante ang printing at photocopy services. Sakto ang small business na ito sa mga teacher at mga project ng mga estudyante!
Are you ready to open your small business? Isa pang sure way to earn without leaving the comfort of your home is to open a sari-sari store for small business ideas! Tandaan, sipag at tiyaga lang ang kailangan at maniwala sa sarili para magtagumpay ang iyong small business.
ederic.net
Formerly known as ederic@cyberspace, ederic.net is the blog of Filipino communications worker Ederic Eder. The blog features his writings, as well as contributed materials such as press releases and guest posts.
Related Posts
May 13, 2024
Savers Group celebrates partnerships, launches brands
Chairman Jack Uy also "passes the baton" to sons Jansen and Justine.
March 7, 2024
DHL Express rolls out more electric vehicles in PH
25 new EVs will reach provincial areas like Cebu, Subic, and Clark.