Bago ang mga usaping terorismo, aanyayahan ko muna kayong basahin ang pinakaunang article ko sa BNext: ang TXTPower, Txter’s Org, Consumer’s Force.
Nabalitaan na ninyo sigurado, isinama na ng Estados Unidos ang New People’s Army (NPA) sa listahan nito ng foreign terrorists organizations. Syempre, sumaludo agad ang bagong foreign secretary ng Pilipinas, si Blas Ople: “In the sense that this determination can help staunch the flow of finances and other support for local armed groups and thus, help prevent further conflict and additional loss of life, it is a welcome development.” Ang Palasyo naman ay hindi makapagbigay ng direkta at categorical na posisyon, pero nagpahayag na ang NPA ay gumagawa ng “terroristic acts”.
Ang pahayag na ganito ng US sa panahong nagiging malaking isyu sa Pilipinas ang pakikialam nito sa mga usaping panloob, lalo na ngayong nananatili pa rin sa bansa ang mga puwersang Kano kahit tapos na ang “anti-terror military exercises” ay lalong magpapalakas sa argumentong tinatapakan ng US ang soberanya ng Pilipinas. Okay ang timing. Nasa Pilipinas pa ang mga sundalong kano na tumutulong sa pagkitil sa teroristang Abu Sayyaf. Para nga nga sulit, eh di gawin na ring terorista ang NPA para may bago silang target. Ang malaking tanong ngayon ay ibinabato natin sa pamahalaang Macapagal-Arroyo: “Kung sasang-ayon kayo sa sinabi ng US tungkol sa NPA, bakit ka nakikipagnegosasyon sa grupong ito? Makikipag-usap ba kayo sa mga terorista?”
Kahit mahirap asahan, sana ay maging malawak ang pananaw ng gubyernong Macapagal-Arroyo, balikan at pag-aralan ang sariling kasaysayan nang makita nito ang tunay na ugat at nature ng rebelyon, sa halip na patuloy na maging bulag na tagasunod ni Uncle Sam.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
September 8, 2025
Panaon Island declared a protected seascape
The protected area covers more than 60,000 hectares of ocean.
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.