Eto ang inabangan ko sa Web noong isang gabi: ang pinakabagong produkto ng Palm, Inc.: ang Palm Foleo. Mobile companion ang tawag sa bagong gadget na ito. Pam-partner kasi ito sa Palm Treo phones. Maaari mong i-sync sa Foleo ang e-mail at documents na nasa telepono mo. Puwede mo ring gamitin ang Internet connection ng Treo o ibang smartphone para makapag-surf sa Web. Ayon sa mga ulat, 256MB pa lamang ang internal memory nito, pero expandable dahil may SD/MMC slot.

Gusto kong magkaroon nito kahit wala pa akong Treo. Ang maganda kasi sa Foleo, standalone rin ito. Ibig sabihin, kahit wala kang Treo, magagamit mo rin ang Ultra Mobile PC o UMPC na ito sa pagsusulat ng documents, panonood ng mga litrato, at pagsu-surf sa Web gamit ang Wi-Fi connection sa mga hotspots. Dahil GMail ang gamit kong e-mail, ang kailangan ko lang ay Wi-Fi, o 3G connection ng ibang phone (na magko-connect sa Foleo via Bluetooth, at puwede na akong makapagpadala at makapag-attach ng kahit 20MB na mga larawan.

At dahil produkto ng Palm at Linux ang operating system, sabi nga ni Tonyo ay siguradong maraming developers ang gagawa ng third-party applications. Kapag nagkaganoon na, ang Foleo ay magiging higit pa sa isang maliit na laptop.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center