Posted by mobile phone:
Tip para sa mga namimili ngayong Pasko: huwag basta-basta kukuha ng mga larawan ng mga paninda. Baka kayo masupalpal na gaya ko.

Sa isang nakalipas na entry ay binanggit ko ang mga kakaibang disenyo ng pambabaeng brand ng damit na Bayo–kakaiba dahil sa dami ng mga local brand na nagkukunwaring Stateside, may mga disenyo silang Proudly Pinoy na matatawag.

Napadaan kami kanina sa isang tindahan nila at nang tangkain kong kunan ang isang damit na may mga print ng monumento ni Rizal para mai-post dito, pinigil ako ng nagtitinda. Bawal daw kasi.

Akala ko sa mga museo lang bawal ang ganiyan. Sa mga tindahan din pala. Nasupalpal ako. Hindi kasi muna nagtatanong, hehe.

Gaya nang dati, ang naisip ko na lang: Kung ayaw nyo, e di huwag.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center