Posted by mobile phone:
Tip para sa mga namimili ngayong Pasko: huwag basta-basta kukuha ng mga larawan ng mga paninda. Baka kayo masupalpal na gaya ko.
Sa isang nakalipas na entry ay binanggit ko ang mga kakaibang disenyo ng pambabaeng brand ng damit na Bayo–kakaiba dahil sa dami ng mga local brand na nagkukunwaring Stateside, may mga disenyo silang Proudly Pinoy na matatawag.
Napadaan kami kanina sa isang tindahan nila at nang tangkain kong kunan ang isang damit na may mga print ng monumento ni Rizal para mai-post dito, pinigil ako ng nagtitinda. Bawal daw kasi.
Akala ko sa mga museo lang bawal ang ganiyan. Sa mga tindahan din pala. Nasupalpal ako. Hindi kasi muna nagtatanong, hehe.
Gaya nang dati, ang naisip ko na lang: Kung ayaw nyo, e di huwag.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
January 23, 2026
PENSHOPPE PLAY brings fun to activewear
SEA Games athletes Kira Ellis and Elijah Cole are the faces of PENSHOPPE PLAY.
January 15, 2026
DICT: Converge is PH’s nat’l broadband leader
The agency says it delivers the fastest average speeds, lowest latency, and…
December 30, 2025
Coca-Cola brings ‘Sound of Home’ to OFWs in Australia
Australia's airwaves turn into an audio love letter from families in PH.



madamot sa pictures. hindi na lang nila dinerecho na “bilhin mo muna kuya” lol. May bawal bawal pa silang nalalaman.
@prudence: weird nga nila. paano pala kung kaya mo kinunan yung book e para ipakita sa mga kaibigan mo at sabihing available iyon sa kanila? e di wag na rin nilang i-display kasi nakikita ng marami. Hehe.
@Lalon: may expression kami sa office–“Sneaky!!!”
@markku: Actually, mabait naman ‘yung pagkakasabi niya. Siguro ayaw lang niyang mapagalitan.
@aajao: Paborito mo talaga ang Imbes, ah!
@Lynn: Istrikto pala talaga yang mga taga-RCBC. At pati ba naman MRT? Pag nagkaroon ako ng sariling gusali, lahat ng puwedeng magpa-picture, pwede. 🙂
@aloyoy: Okay nga na style yan. Hehe.
Nyek, lagi ko yan ginagawa… Ang style ko ay kukuha ng mga gusto kong damit, tos ifi-fit sa fitting room, sabay kuha na rin ng picture. Parang record ko na din ng mga gusto kong bilhin na shirts pero wala pang pambili. Wahehe.
Nangyari rin sa amin ang ganyan sa RCBC Plaza eh. Gusto naming kunan ng litrato yung panget na sculpture doon, tapos biglang may nagtatakbo na security guard, “Hoy, psst! Bawal mag-picture dito.”
Tapos pati sa MRT station noon, napagbawalan din ako.
ay typo. hehe. I M B E S T I G A D O R. bow. 😛
wala yan sa lolo ko… hehehe…
sa susunod, maging patago na lang sa paggamit ng camera. parang IMBSETIGADOR! 😛
Hahaha, ang taray naman nung tindera! =P
hmm.. naranasan ko na rin ‘yan nung kuhaan ko ng litrato ‘yung RCBC Plaza sa Makati. Siguro mas mabuti na ipagpaalam na lang natin hanggat maaari kasi pribado ‘yun. Hmm pero kung kaya mo naman… be sneaky hehe. That’s what I always do! 😛
baka akala nila gagayahin mo design ng mga damit nila haha. nasabihan na din ako ng ganyan sa fully booked nang sinubukan ko kuhanan ng litrato mga libro. ewan ko din kung bakit.