Nabalitaan ko kanina sa YugaTech na available na ang prepaid eSIM sa Smart. Na-excite ako sa magandang balitang ito. Gusto ko kasing ma-maximize ang eSIM capability ng iPhone ko at mailagay sa same phone ang back-up SIM ko. Bukod sa mobile number portability, isa ‘to sa mga hinintay ko sa mobile telcos natin. Dati ay sa postpaid lines lang available ang eSIM.

Agad akong nag-search at nakita kong may ibinebenta na ngang prepaid eSIM sa Smart Online Store. Kaso, para sa bagong number ‘yon. Nang magtanong ako sa @LiveSmart sa Twitter, sinabi sa akin na sa store daw nila ang processing ng eSIM.

Kaya naman pumunta ako kanina sa pinakamalapit na Smart store. Kinumpirma naman ng nakausap ko roon na may eSIM na nga raw sila para sa prepaid. Kaya lang, di pa ito available rito sa amin sa Angeles City. Subukan ko raw ulit around Friday next week.

Kung interested din kayo sa bagong eSIM para sa existing prepaid Smart line n’yo, sa business center nila kayo pupunta. Pero bago kayo sumugod gaya ko, magmonitor muna kayo ng announcements tungkol dito para matiyak na mayroon na sa area ninyo. According to Unbox, may press conference sa Monday ang Smart. Inaasahang ia-announce ang iba pang detalye rito.

Kung eSIM na may bagong number naman ang hanap n’yo, abangan ang pagbabalik nito sa Smart Online Store. As of this writing, wala na ang page, pero ito ang na-capture ng cache ng Google. Ito naman ang nakalagay na description:

“The new Smart Prepaid eSIM is an embedded SIM for eSIM capable mobile device with up to 21 GB Free Data plus Free Calls & Texts to all networks. Simply scan your delivered eSIM QR. Register at smart.com.ph/simreg to activate your Prepaid eSIM.”

Balitaan n’yo rin ako kung makakuha na kayo.