May mahigit 100 Asian dramas na dinub sa Tagalog at Bisaya na pala na mapapanood sa Viu Philippines, ang pan-regional OTT video streaming service ng Hong Kong-based na kompanyang PCCW.

Para i-celebrate ito, nagyaya ang Viu sa Viu Village, isang libreng “Tagdub” (Tagalog-dubbed)-inspired event sa Sabado at Linggo sa SM Megamall Activity Center. 

Ayon kay  Viu Philippines Assistant General Manager Vinchi Sy-Quia, umpisa pa lang ito ng pagdaragdag nila ng mas maraming dubbed na palabas.

“’Ika, nga, ‘we’ve come a long way’ dahil noong November 2020, kokonti lamang ang mga dubbed na K-dramas sa Viu. Pero ngayon lumampas na sa 100! Patuloy kaming magdaragdag ng dubbed content,” ani Sy-Quia.

“Hindi lang mga palabas mula sa Korea ang tinutukoy ko, kundi mula rin sa China, Thailand, at iba pang Asian countries ang aming ida-dub sa Tagalog, Bisaya, at kung papalarin, sa iba pang wika ng Pilipinas. Iba talaga kapag nadirinig mo ang iyong paboritong artistang nagsasalita ng iyong wika. Mas enjoy at mas tagos sa puso. Ang aming standard ay nakasaad sa tagline na ‘Swak sa dubbing, swak sa feels.’ Mapa-Tagalog o mapa-Bisaya, tiyak na aantig sa puso at damdamin ng manonood na Pinoy ang aming mga dubbed na palabas,” dagdag pa niya. 

Bukas at libre sa lahat ang Viu Village sa SM Megamall Activity Center sa Pebrero 18 at 19. Sa event, puwedeng umastang voice actor sa Tagdub booth, i-flex ang galing sa pagpares-pares ng drama posters, magpalitrato sa photo booth, at magkaroon ng pagkakataong manalo ng mga premyo sa interactive games at raffle draws. 

At dahil buwan ng mga puso ang Pebrero, ikinakampanya ng Viu ang dubbed love stories nila gaya ng “Hotel Del Luna,” “18 Again,” “Reply 1988,” “Encounter,” “She Was Pretty,” “The World of the Married Couple,” “Dr. Romantic,” “The Last Empress,” at pati na rin ang mga Viu Originals tulad ng “Doom At Your Service” at “River Where The Moon Rises.” Mayroon din mga series na nasa Bisaya na tulad ng “Descendants of the Sun,” at “My Girlfriend is a Gumiho.” Ang “True Beauty,” na ngayon isa sa pinakasikat sa Tagalog dub, ay lalabas din sa Bisaya ngayong 2023. 

I-download ang Viu app sa Google Play o Apple Store para mapanood nang libre ang iyong paboritong Asian shows at Tagalog-dubbed at Bisaya-dubbed dramas. Para maging updated, i-follow ang Viu sa official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, Twitter at Tiktok.