Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw umalis ng karamihan sa atin sa Windows operating system ng Microsoft ay ang pangambang wala sa lilipatan nating OS — Linux man o Macintosh — ang mga ginagamit nating software.
Nitong linggong ito, nakuha na namin ang bagong MacBook ni M. Siyempre, kinalikot namin ang bagong laruan. Nag-install agad ako ng applications na wala sa original package. Isa sa mga una naming naisip ay kung paano maii-sync ang kanyang Palm sa bagong laptop.
Natuwa naman ako nang malaman kong mayroon nga palang Palm Desktop para sa Mac. Na-download at na-install ko na ang software. Kaya lang, susubukan pa namin ang power nito kapag ginawa na ang aktuwal na hotsync.
Sana, gumana ito nang maayos. 🙂
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
January 23, 2026
PENSHOPPE PLAY brings fun to activewear
SEA Games athletes Kira Ellis and Elijah Cole are the faces of PENSHOPPE PLAY.
January 15, 2026
DICT: Converge is PH’s nat’l broadband leader
The agency says it delivers the fastest average speeds, lowest latency, and…
December 30, 2025
Coca-Cola brings ‘Sound of Home’ to OFWs in Australia
Australia's airwaves turn into an audio love letter from families in PH.


