Isa sa mga katangian ng Internet na gustung-gusto ko ay ang kalayaan sa pamamahayag na kaakibat ito, at ang open source system sa computer at Internet programs. Sa open source programming, nabibigyan ng karapatan ang iba na gamitin ang datos na pinangsikapang buuin ng isang tao o grupo, basta ilalagay ang sapat na pagkilala sa orihinal na gumawa, at ibabalik sa community ng programmers ang codes ng bagong program na nalikha mula sa orihinal.
Samantala, dahil sa pagba-blog ay nalilikha ang mumunting pamayanan ng bloggers. Sa pagpapalitan ng impormasyon, idinidikta ng netiquette o “common courtesy online and the informal “rules of the road” of cyberspace” (Albion.com) ang batayang respeto at pagkilala sa karapatan at copyright ng mga sumulat sa kanyang material kaya kinakailangang i-credit ng isang blogger sa orihinal na may-ari ang anumang bagay na kinuha sa ibang site.
Noong isang buwan, may nag-contribute sa Tinig.com at sa pag-scan sa artikulo niya ay natuwa ako. Kako’y ilalabas ko ito. Nakakaaliw at witty pero di ko maipaliwanag kung bakit pamilyar ang estilo. Luminaw ang lahat nang dumating ang e-mail ni Alex, ang Kapatnugot ng Tinig.com. Sinabi niyang artikulo ni Pete Lacaba ang ipinasa ng contributor na ‘yun. Nang i-text ko ang contributor kung orihinal na composition niya ang kanyang ipinasa, sabi niya’y “ideya nila ng mga kasama.” Hindi niya kailanman inamin na hindi sa kanya kundi kay Pete Lacaba ang artikulong inaring kanya at ipinasa sa Tinig.com. Sa ginawa niyang iyon, maaari siyang tawaging isang cybermagnanakaw!
Sa pamamasyal ko naman sa cyberspace, nasaksihan ko ang galit ng mga nabiktima ng isa pang cybermagnanakaw: si Keiko. Ninenok niya ang posts nina Gabby, Ara, Pam, Twinkle, at iba pa.
Bisitahin ninyo ang kanilang blogs at ikumpara sa entries ni Keiko. Walang kahiya-hiya niyang kinopya at kung kailanga’y pinapalitan pa ang pangalan ang mga tauhan sa entries ng mga pinagnakawan niya. Hindi ko ilan kung ilang bahagdan ng entries ni Keiko ang ninakaw lamang niya.
Naiintindihan ko ang sama ng loob ni Gabby nang isulat niya ang mensahe para sa cybermagnanakaw:
Don’t worry, we’ll sending out emails to your readers/ friends telling how good and effective you are at stealing ideas from unwitting bloggers like us — the ones who really spend time putting ideas into words, the ones who want nothing but to capture significant moments of our lives and selflessly share them to our willing readers, the ones who devote hours checking whether we’ve already put the proper attribution or not, the ones who get very excited at the thought of writing something very original, creative, and solely ours, and especially, the ones who try their very best to votively know ethics by heart.
May turok naman ang mensahe ni Pam:
I feel bad for you, Keiko.
Because you may steal our words, but you cannot steal our lives. You will never get to experience what we do, you will never get to be in our shoes. You will never have the moments that we have.
Your puny little brain cannot handle that.
Bugbog-sarado rin Keiko sa tag board ng group blog niya at ng kanyang mga kaibigan.
Panahon nang maging mulat ang mga netizens sa netiquettes na kinabibilangan ng tamang pagbibigay ng credit o attribution sa mga impormasyong nagsi-circulate sa Internet.
Naalala ko ang “Adventures sa Kawatanan ng Rentas Internas” ni Jol na kumalat sa Internet pero ni hindi nai-credit sa kanya o sa Peyups.com, na unang naglabas ng ng artikulo, at Tinig.com na sumunod na naglathala nito. Ginamit pa ito ng isang kolumnista sa diyaryo na hindi man lamang nag-extend ng extra effort upang alamin kung sino ang may-akda.
Ako man ay nabiktima rin nang kumalat ang aking “Sa Alaala ni Shaider” at na-post pa sa isang blog na nakapangalan sa ibang tao. Sa kapapasa sa e-mail, ganyan din ang nangyari sa ilang articles ni Mark Macapagal ng Manila Times, sa “Yan bang natutunan mo sa UP?” ni Limpbwizit at sa iba pang mga nakakatuwang article na sumikat sa Internet.
Sana lang, matuto tayong rumespeto sa likha ng ibang tao. Oo, naniniwala sa sinabi ni Milo ng AntiTrust na “information belongs to the world” pero naniniwala rin ako sa kasabihang “give credit where credit is due.”

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 28, 2024
Converge Netflix Bundle revealed
New plan offers fast internet and vast entertainment options.
October 1, 2024
Converge and the promise of AI
Converge uses artificial intelligence to enhance customer experience.
July 11, 2024
Reliance Broadcasting gets direct-to-home license
Korea’s satellite communications leader KT SAT will power the DTH service.
Aling artikulo ko ito? Curious lang. Idiretso mo na lang sa akin ang sagot, kung ayaw mong hiyain ang cybermagnanakaw.
Speaking of netiquette, ala bang puwedeng gawin sa mga nambabastos o kaya e nanggugulo sa site ng may site? May nanggugulo sa site ko, sabi niya saken minsan, ‘… ganito talaga sa internet e.’
Ayokong maniwala. Gusto ko pa ring isipin na maraming disenteng tao sa internet dahil karamihan naman ng nakikilala ko e ganun. Nakakalungkot lang, to the point na nakakainis na minsan, kasi pakiramdam ko parang bahay na inaalagaan ko tapos dudumihan ng kung sino’ng trespasser.
Heto pala ang binabanggit mo. Marami ngang ganyan. Nakakahiya. Salamat nga pala sa pagbisita mo sa blog ko. Magli-link nga pala ako dito, para naman ma-share ko sa mga prens (aka readers) ko ang tirada mo. G-leeeeeng!
Dapat, Pare, magpasalamat y’ong “contributor” na ‘yon at napakabait pa ng naging pagtrato mo sa kanya. Kung ako ‘yon, ihaharap ko sa kanya y’ong URL na papunta sa article ni Pete Lacaba.
lentek! shet! it’s disgusting!
ampotah! pati ba naman blog pinipirata na rin??! walanjek.
kapag nawala ang kaluluwa sa teknolohiya, ganito ang nangyayari.
ang tao, habang lumalaon, nagiging basura. kung sa cyber nga, magnanakaw na, e paano pa kaya sa totoong mundo? kungsabagay, di na ako magtataka. e yung pinaka-bobong tao nga sa pinas, milyun-milyon ang ninakaw sa tin! hehehe