From GMANews.tv:


What is it like to live in a condemned building?
Tondominium death trap
CONDEMNED
Howie Severino’s I-Witness Documentary
Airing Monday night: June 25, 2007,
midnight or after Saksi GMA7
(delayed by a day or two on Pinoy TV overseas)

Paano nga ba ang buhay kung ang iyong tahanan ay idineklarang “condemned” ng gobyerno, o hindi na maaring tirahan?

Ang Macapagal Tenement Building sa Tondo, maaari raw gumuho anumang oras. Ang problema, hanggang ngayo’y libu-libong katao ang nakatira sa loob nito.

Binagtas ni Howie Severino at ang kanyang grupo ang mga mapanganib na sulok ng tenement. May mga madidilim itong tauhan, may mga kriminal na naninirahan. May puno ng balete na nakayakap sa limang palapag ng gusali. Ang musikang nangingibabaw sa lugar ay mga kabataang sama-samang nagra-rap tungkol sa brutal na buhay-Tondo.

Pero sa pagbababad nina Howie, may natagpuan silang hindi inaasahan -– mga mural na nilikha ng mga kabataang artist sa bawat palapag, mga masayang kuwento ng matatanda tungkol sa lugar, at paniniwala ng mga residente na sila’y nasa isang sanktuaryo’t paraiso.

Si Mang Bert ang nagsilbing tour guide ni Severino sa mga eksenang ito. Kabaligtaran si Mang Bert sa mga inaasahan nating halang ng Tondo -– palatawa, komikero, romantikong laging kasama ang kanyang gitara at kundiman. Binuno ni Mang Bert ang mahabang panahong nag-iisa sa lugar bilang tagalinis.

Ang kuwento ng komunidad na ito, abangan sa I-Witness ni Howie Severino sa ika-25 ng Hunyo, Lunes ng hatinggabi, sa GMA-7.

Executive producer: Ella Evangelista
Cinematographer: Regiben Romana
Field Producer: Mavie Almeda


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center