Imbitado ka sa pinakaunang Bloggers’ Kapihan. Sa Bloggers’ Kapihan puwedeng mapag-usapan ang iba’t ibang isyung kinakaharap di lamang ng Pinoy bloggers kundi pati ng lipunanang Pilipino. Siyempre, pagkakataon din ito upang magkitakits at magchikahan.

Hiintayin ka ng BK crew sa pinakaunang Bloggers’ Kapihan ngayong Sabado, Setyembre 8, ika-2 ng hapon, sa Philippine Science High School.

“Blogging Beyond the Basics” ang tema ng una sa Bloggers’ Kapihan series. Magbabahagi ng kanilang kaalaman at mga karanasan sina Abraham Olandres (pro-and-techie blogger), Manuel Quezon III (political blogger), at Victor Villanueva (student blogger). Siyempre, pagkatapos nilang magsalita, magkakaroon ng malayang palitan ng kuru-kuro sa pagitan ng mga blogger at mag-aaral ng Pisay.

Ang unang Bloggers’ Kapihan ay magaganap dahil sa malaking tulong ng DigitalFilipino.com Club and Pinoy Web Hosting Solutions.

Bukod sa libreng kape at donut, mamimigay ng freebies ang Google at GMAnews.tv, at web hosting packages at domains naman mula sa BK crew. 60 blogger lang ang makakasali sa unang kapihan, kaya magpatala na agad! Mag-post lamang ng comment.

Kung nais ninyong suportahan ang Bloggers’ Kapihan, narito po ang sponsorship packages:

Major Sponsor (Php 3,000)

* Full banner (470×60 or 145×360) on Bloggers Kapihan website for 6 months
* Link to sponsor website for 6 months
* Streamer displayed in the venue
* 3-5 minutes presentation in the forum
* 1 table space

Minor Sponsor (Php 1,500)

* Logo (60×60) on the Bloggers Kapihan website for 6 months
* Link to sponsor website for 6 months
* Mention in the forum

I-email lamang si Shari sa shari@misteryosa.com para sa inyong mga katanungan tungkol sa pagiging sponsor.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center