Nakapanlulumo ang balitang bumubulaga sa atin sa tuwing ipalalabas ang partial results ng Namfrel Quick (nga ba?) Count. Ang dalawang pinakakarapat-dapat, nasa ibaba ng listahan. Ang pinaka-“kakaiba,” nasa itaas.

Gaya ni Victor, mas katanggap-tanggap para sa akin ngayon ang isang President FPJ kaysa magpatuloy ang isang administrasyong alipin ng tradisyunal na pulitika, tambayan ng kasinungalingan at lokohan, sunud-sunuran sa dayuhan, at bad trip sa karapatang pantao.

Ayaw yata natin ng pagbabago. Naalala ko tuloy ‘yung title ng webpage ng isang article sa CyberDyaryo dati: “Binoto niyo. Tiis kayo.”

Maulit-ulit man ang mga nangyari sa nakalipas na tatlong taon sa ilalim ng kasalukuyang (at nagbabadya ng pagpapatuloy) administrasyon, walang ibang masisisi kundi tayo ring tayong mga naghalal sa mga taong uupo.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center