Larawan mula sa http://users.skynet.be/x-or/shaider_18_mini.jpgDumating din ang pinakaaasam-asam ng mga fans ni Shaider, ang Pulis Pangkalawakan, kaninang umaga, nang ang seryeng matagal na nating na-miss ay simulang muling ipalabas ng GMA-7–ang ating Kapuso.

Noong Biyernes na gabi, kaagad kong ibinalita sa mga kasapi ng Shaider e-group na nakita ko sa GMA-7 ang palatastas na nag-aanunsiyong muling ipalalabas ang Shaider. Pagka-post ko ng mensahe, nagulat na lamang ako nang makita ang isa pang e-mail na nagtataglay ng parehong balita.

Hindi pala ako namalikmata, sabi ko. Kaya naman kagabi pa lang, pinatutugtog ko na ang soundtrack ng Shaider sa PC ko.

Nagbunga rin ang pangungulit namin, katulong si Lakambini, sa Kapuso Network upang ipalabas muli ang Shaider matapos mapatunayan ng article kong Sa Alaala ni Shaider kung gaano karami ang nananatiling nakakaalala sa ating superhero kahit pumanaw na si Hiroshi Tsuburaya, ang artistang gumanap sa kanya. Patunay lamang na sa GMA, ang mga manonood ang boss!

Muling salubungin si Shaider! Time-space warp, ngayon din! 🙂

Ederic Eder

Filipino blogger

Join the Conversation

37 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. mabuti pa ngang ibalik ang original kesa sa binalasubas na remake sory sa mga loyal sa kapuso. pero sa totoo lang pinahahalagahan kasi ng kapuso ang rating.
    yun bang di man lang sila nagsasaliksik mabuti kung magugustuhan ba ng tao ung gagawin nilang remake ng shaider. kasi halatang halata na gumawa lang sila ng sarili nilang version.

  2. Hay naku… comment lang ha… constructive criticism lang naman… kapag ginawa na naman ng GMA yan baka matulad sa Lupin… parang tele drama… kulang sa action… sa totoo lang naman… look at super twins… umikot lang sa nagiging contrabida ang bida… sila sila nalang… tapos sobrang liit pa ng scope… look at the setting… anubayan… barrio!!! Lupin– setting barrio…. Super Twins… setting barrio… hindi mawala ang mga drama… iyakan… mga nakatayo lang na characters pag nagsasalita… nauutal at kung anu-ano pang mga walang kwentang pampahaba ng istorya… please be open to criticism and you will know what I am talking about… Please lang GMA channel 7… don’t spoil our expectation… tama na ang barrio settings… let’s move on… anyways… these series are not reality… make use of our wildest imagination… portray an urbanized Philippines!!! Kumawala na tayo sa kahirapan— mga images ng urban settings… I challenge you and accept this constructive criticism with an open minds. I thank you…

  3. Da bes yang ginawa ng GMA7 na i-revive ang Shaider. Now ko lang nalaman na lalake pala si Ida (mwaha!). I can’t believe et! Hindi ko napanuod yung last episode nun a! Long live Alexis-Annie! (and Babsee? [the pig])

  4. The virus of a hepatites A is hidden in excrements and transferred at personal contact or through the infected food and water, therefore it is necessary to care of hygiene and a choice of food carefully. WBR LeoP

  5. sino sa inyo may dvd ng Shaider yung naka dubbing sa tagalog? may shaider ako dvd kaso japanese eh may english subtitle lang yung meron txt me, 09198442399 at 09165847791. tnx!!!

  6. KAHIT PATAY NA SA TOTOONG BUHAY SI SHAIDER……………THE BEST PA RIN SIYA…………….LALONG LALO NA SI ANNIE. NGAYON NAMAN SI ANNIE, NAGING SEXY STAR NA. HINDI KO INAKALANG MAKIKITA KONG WALANG SAPLOT SI ANNIE.