angbabaenghinugotsaakingtadyang

Medyo nag-iinarte ang tagiliran at likod ko lately. Yun bang malapit sa may parteng tadyang. Ewan ko kung bakit. Baka dapat, magpa-check up na ako as soon as possible.

Speaking of tadyang, noong January 29 ay um-attend ako sa press launch ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, ang telenovela ng GMA-7 na kasalukuyang ipinapalabas tuwing weeknights at pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Marian, ang babaeng hinugot sa aking tadyang...
Si Marian, ang babaeng hinugot...
May sneak preview ng unang episode ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang para sa mga dumalo sa launch. Ipinakilala ang mga karakter, sa pangunguna ni Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera). Si Homer ay isang mayamang negosyante. May katipan na siya, si Heleen (Angelu de Leon), na may kalaguyong ibang lalaki.

Sa unang labas ng teleserye, ipinakita ang misteryosang si Proserfina na palihim na pumasok sa kuwarto ni Homer at doon natulog. Nagulat ang lalaki nang sa kanyang paggising, isang napakagandang babae ang kanyang katabi. Ngunit sa huli, biglang umalis si Prosefina.

Naintriga ako agad sa istorya ng bagong palabas na ito, kaya’t ngayo’y pinipilit kong makapanood sa tuwing maaabutan ko ito sa pag-uwi ko sa gabi sa bahay.

Si Dingdong Dantes habang ini-interview ng movie press
Si Dingdong Dantes habang ini-interview ng movie press
Nag-enjoy din ako sa press launch dahil napanood ko sina Marian at Dingdong at iba pang mga artista habang habang ini-interview sila ng entertainment reporters. Bukod sa binati ako ni Marian, nakausap ko rin siya sandali at nakapagpa-picture ako kasama siya. Hindi raw siya nagbabasa ng blogs, so nasiguro kong hindi si Marian ang nag-comment na ito dati sa blog ko.

Nobela ni Carlo J. Caparas sa komiks noong 1970s ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Nang gawin itong pelikula noong 1981, sina Eddie Rodriguez at Vivian Velez ang naging bida.

Ang isa sa mga paborito kong manunulat sa komiks, si RJ Nuevas, ang headwriter ng bersyon ng GMA-7 para sa telebisyon, at si Joyce Bernal ang direktor.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center