Kung noong nakalipas na taon, ninais kong magkaroon ng “Masineng 2010,” na natupad naman dahil napanood ko karamihan sa mga pelikulang gusto kong panoorin, ngayong 2011 ay nais kong mas makapagsulat at makapag-blog.
Nitong mga nakalipas na araw ay unti-unti kong ini-upload sa Titik ni Ederic ang mga artikulo ko noong isang taon. Mula sa iPhone hanggang kay Bagyong Juan, ibinahagi ko sa mga bisita ng aking sinupan ang mga opinyon kong unang nalaman ng mga mambabasa ng Pinoy Gazette sa Japan.
Sa mga susunod na linggo, pipilitin kong regular na ma-update itong ederic@cyberspace. Sana’y makapag-imbita rin ako ng mga bagong contributor sa Tinig.com. Balak ko ring makapag-post lagi sa MakaPalm, Marinduqueño, at Our Daily Txt. Matuloy na rin sana ang balak kong makapag-guest blog sa Hallyudorama at makapag-blog din sa isang malaking Internet portal.
Alam kong dahil sa trabaho, personal na buhay, at idagdag pa ang pagiging aktibo ko sa Koprol at Twitter, medyo mahirap ang balik-blog at pagsusulat na pinapangarap ko. Pero sana, matutunan ko ang tamang disiplinang kailangan ng bawat manunulat.
Ngayong 2011, ituloy natin ang kuwentuhan!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
Related Posts
November 11, 2025
Converge loads Viva content on Xperience Hub
Converge is loading its all-in-one set-top box with Viva's original Filipino…
November 6, 2025
Crunchyroll’s Game Vault turns 2
New games have been announced for Crunchyroll Game Vault anniversary.
October 13, 2025
Cashless, cardless payments
Paano ‘pag wala kang cash o card pero kailangang magbayad?


