Nagmamatigas ang Globe

(Update) Nanawagan ang TXTPower na i-boycott ng mga texter ang Globe Telecoms simula sa Pebrero 8 dahil sa pagtanggi nitong ibalik ang dating Unlimitxt rates.

Sa kabila ng kautusan ng National Telecommunications Commission sa Globe na iatras ang bagong unlimited promo, ayaw sumunod ng Globe.

Kesyo may kontrata na raw sila sa mga subscriber na nag-avail ng bagong unli promo. Kinukuwestyon din ng Globe ang legalidad ng order.

Samantala, lalong nagagalit ang mga subscriber. Nag-uumpukan sila sa TXTPower upang pag-usapan ang isyu.

Leave a Reply