Theater Talk, Atbp.

Dalawampung bloggers ang inaanyayahan ng PinoyCentric.com, ManilaGayGuy, at ni Gibbs Cadiz sa “Theater Talk Atbp,” kasama ang multi-awarded writer-director na si Floy Quintos ngayong Sabado, October 27, 5:30 to 7:30 p.m. sa PLDT/Smart Exhibition Hall ng PETA Theater Center sa 5 Sunnyside Drive, New Manila, Quezon City.

Ayon kay Gibbs, ito’y isang “informal, animated, and interactive chikahan session on theater appreciation.” Continue reading “Theater Talk, Atbp.”

Google Docs Mobile

Dahil ako ang nakatokang magbigay ng pambungad na pananalita ikalawang Bloggers’ Kapihan, nagsulat ako ng burador na kako’ y isusubi ko na lang sa Palm ko para puwede kong sulyap-sulyapan kapag nagsalita na ako. Ang kaso, nakaligtaan kong ilipat sa Palm ko ang isinulat ko.

Kaya naman habang habang naghihintay na magsimula ang kapihan, paulit-ulit kong pinilit na mag-login sa Google Docs–dito ko isinulat kasi isinulat ang maikling talumpati. Yun nga lang, kahit anong hintay ko, ayaw mag-load ang pahina.

Continue reading “Google Docs Mobile”

Ganyan na lang ba?

Noong People Power 2, “guilty” ang hatol ng taumbayan kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa mga kasong bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at culpable violation of the constitution na isinampa laban sa kanya sa di natapos na impeachment trial.

Pagkatapos ng anim na taon, guilty rin ang hatol sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong dahil sa paulit-ulit niyang pangongolekta ng umabot sa mahigit 50 milyong pisong suhol sa jueteng sa tulong ni dating Ilocos Gov. Chavit Singson at iba pang mga kasabwat. Nangolekta rin siya ng komisyon mula sa pagbebenta ng Government Service Insurance System at Social Security System ng shares ng Belle Corporation.

Read more »

OpenID at Flickr sa ederic@cyberspace

Dahil sa sobrang daming spam at makulit na comments, binago ko ang settings ng ederic@cyberspace para ang makakapag-comment lang ay iyong mga naka-login na registered users. Kaya kapag gusto mag-comment at di mo makita ang comment form, kailangan mong mag-register.

Pero paano kung bad trip ka na sa sobrang daming passwords na kailangang i-memorize at ayaw mo nang idagdag pa ang isang set para sa blog ko? O kung tinatamad ka lang mag-register?

Continue reading “OpenID at Flickr sa ederic@cyberspace”