Isa sa mga mababasa mong itinatanong ng Filipino content creators at online freelancers ay kung paano tumanggap ng earnings nila na nasa foreign currency — kaladasan ay U.S. dollars.

Dati, medyo komplikado ang mga proseso at istrikto ang mga bangko sa requirements. Understandable naman ito dahil siyempre, kailangang maging maingat at dapat sumunod ang mga bangko sa regulatory requirements.

Nasubukan ko na ring mag-inquire sa mga bangko tungkol sa dollar accounts. Nagtanong ako sa BDO tungkol sa BDO Kabayan Dollar account. Para pala ito sa OFWs at mga kaanak nila. $100 lang ang minimum kaya mas madali sanang mag-open kaysa sa ibang banks na umaabot sa $500 ang opening balance. Kaya lang, noong may nakausap na akong branch officer, hiningan nila ako ng resibo ng remittances sa akin ng mga tita ko na nasa abroad. Diretso na rin sa peso account ko ang mga ipinapadala sa akin, kaya wala akong maibigay. Umalis na lang ako.

Ang Chinabank naman, may OKS US Dollar Savings. Okay rin sana ito dahil valid ID and at $10 lang ang kailangan para makapag-open. Pero nang bumisita ako sa mall branch na malapit sa amin, wala raw ganito sa kanilang branch.

Pero may magandang balita kaugnay nito. Kamakailan, nabalitaan ko na nag-o-offer na pala ng virtual U.S. dollar account ang RCBC at GCash.

Ayon sa RCBC, puwede nang mag-create ng virtual U.S. accounts sa kanilang RCBC Pulz mobile app. Hindi na kakailanganin ng U.S. address, social security number, o residency. Matatanggap ng users ang pondo mula sa alinmang U.S. bank at agarang mare-reflect sa peso account na nakalink sa kanilang RCBC Pulz. Sabi pa sa ibang sources, libre ‘pag ACH o automated clearing house transactions at may charge namang $15 ‘pag wire remittance.

Nakita ko naman sa GCash app ko na mayroon nang “US Account” icon. Na-curious ako pero di ko pa ito na-explore. At kanina, nakita at ipinost ko ang announcement from earlier this month na nag-o-offer na rin pala ang GCash ng virtual U.S. account.

Ayon sa GCash, sa pamamagitan ng kanilang GCash Virtual US Account, puwede nang makatanggap ng US dollar remittances ang mga Pilipino diretso sa kanilang GCash e-wallet. Puwedeng panatilihin sa GCash ang US dollar funds at i-convert lamang sa Philippine peso ‘pag kailangan na.

Para magkaroon ng GCash Virtual US Account, kailangang fully verified ang GCash account.

Parehong nakapagpartner ang RCBC at GCash sa global payments network na Meridian.

Magandang balita ang mga ito para sa lumalawak na gig economy sa Pilipinas.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center