Masakit na ang likod at balakang ko sa pag-upo nang medyo nakayuko. Parang gusto ko nang kumanta ng “Magtanim ay di biro”. Pinalala pa ang pagod nang matanaw ko ang pabilog na liwanag ng mga ilaw ng ferris wheel sa Enchanted Kingdom.
Nasa biyahe ako ngayon pabalik sa Maynila mula sa Marinduque. Matapos ang halos tatlong oras na byahe sa roro ferry at dalawang maikling kuwento sa The Undiscovered Country, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at sa halip na dumiretso sa sakayan ng bus, sumakay ako dito sa van na biyaheng Cubao. Sa kamalasan, di pa napuno ang kapasidad na 14 na siniksik na pasahero, kaya naghintay pa kami nang mahigit isang oras. Ngayon, matapos ang may tatlong oras, nasa may Laguna o Cavite pa rin lang yata kami. Ang masakit pa, masakit na nga ang katawan ko dahil para kaming sardinas dito. Makalawa na akong sumakay sa ganitong biyahe at nangakong di na uulit matapos na sa unang sakay ay ako ang pinakahuling ibaba at sa ikalawa ay makaranas na masuka-suka na sa init dulot ng sirang aircon (na parang yung bus ng Tritran).
Para akong ang sambayanang Pilipino–di na natuto sa aral ng karanasan at kasaysayan.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
May 29, 2022
Oracle Red Bull Racing to bare 2022 NFT set at Monaco F1
Oracle Red Bull Racing launches its second NFT collection at the Monaco Grand…