Ika-100 taong anibersaryo ng Unibersidad ng Pilipinas kahapon. Gusto ko sanang pumunta sa campus para mailahok sa pagdiriwang, pero nang magising ako’y nasa kalagitnaan na ng selebrasyon sa Diliman. Sinundan ko na lang ang live updates ni JM sa Twitter (tingnan ang mga larawan sa blog niya; sa mga galing sa Google, sorry, walang oblation run pictures, hehe). Itinuloy ko rin ang pangongolekta ng URL ng UP bloggers para sa blog directory ng UPAlumni.net.
Balak ko sanang yayain si Mhay sa kampus pagkauwi ko galing opisina kagabi, pero kahapong umaga ko lang nalaman na ang Pamantasang Hirang centennial concert pala ay hindi sa UP gagawin, kundi sa Cultural Center of the Philippines. Eh kung sumugod man kami roon kagabi, baka pagdating namin ay puno na lahat ang 1,800 na upuan. Di na nga napagbigyan ang lahat ng mga hinihinging tiket ng mga opisina sa Diliman. Sabagay, hanggang bukas na gabi pa naman iyan.
Kaso lang, mas masaya sana kung yung concert ay gaya nung centennial kick-off party sa UP Diliman Amphitheater noong Enero. Bukas at libre para sa lahat. Wish ko pa nga, makatugtog ang reunited Eraserheads sa ganoong klase ng concert para sa sa sentenaryo. Yung nga lang, imahinasyon ko lang pala ang concert na yun, at mukhang wala na rin namang pag-asang magbalikan ang Eraserheads.
Kaya, tingnan na lang natin sa official calendar of events kung alin sa iba pang mga gawain kaugnay ng senternaryo ang puwede nating lahukan. At siyangapala, extended ang deadline sa pagpapadala ng pictures at video sa aming proyektong UP@100: Capturing 100 UP Moments.
Anu’t anuman, marami pang mga mahahalagang bagay at usaping dapat pag-usapan ngayong ika-100 taon ng pamantasan, tulad ng bagong charter, ang 300% tuition increase, ang mababang suweldo ng mga guro, ang mababang pondo ng UP, commercialization ng university assets, ang binagong curriculum, ang pagbulusok ng ranking natin, ang muling pangunguna ng mga aktibistang estudyante, at ang nagbabagong katangian ng mga taga-UP.
Sa gitna ng lahat ng yan, patuloy na kinikilala ng buong bansa ang di-matatawarang papel ng UP sa kasaysayan at pagsulong ng Pilipinas. Maligayang sentenaryo, mga kapwa ko Iskolar ng Bayan!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 26, 2022
Relaunched Tsek.ph Pledges to Counter Election Misinformation
Tsek.ph, a pioneering collaborative fact-checking coalition, pledged to combat…
January 21, 2022
Bigger Tsek.ph to Be Relaunched Jan. 24
Consistent in its efforts to counter disinformation through verified…
[…] naman ngayong ipinagdiriwang ang sentenaryo ng UP, isa ako sa mga naghahangad na makitang muling tumugtog nang magkakasama sina Ely Buendia, Raimund […]
tagal na pala ng UP noh.. God Bless!
Did You Know?s last blog post..Warcraft III: Dota AllStars Hacks, Cheats, Strategies, Tips and Secrets