Inilunsad na kahapon sa Singapore ang Treo 500v. Nabalitaan ko ‘yan sa Crave blog ni John Chan sa CNet Asia.
“The 500v will be available in some countries in the Asia Pacific by the end of the year, though Palm could not be more specific about when and which countries at this point. In Singapore, it is available only in gray from M1 at S$498 with a two-year contract as well as at S$698 from retail outlets,” sabi ni Chan sa blog niya.
Siyempre, kinuwenta ko agad. Kung S$698 ang presyo kung walang contract sa telcom (Smart, Globe o Sun sa Pilipinas), mahigit P21,000 pala ito. Higit na mas mura kaysa sa Treo 680. Kaya lang, Windows Mobile ang OS. Huwag na. Hintayin ko na lang ang GSM version ng Palm Centro.
Speaking of Centro, ilang linggo na ang nakalilipas ay may ipinost ang Gear Diary na umano’y larawan ng tinatawag ngayong Treo 500p — ang GSM version daw ng Palm Centro, na available na sa US, pero sa CDMA networks lang. Eto ang kopya ng larawang nabanggit (nakuha ko naman sa Brighthand.com:

Sana totoo itong Treo 500p, at sana mas mura kaysa sa 500v. Abangan na lang natin.