Tips sa pagsusulat ng sanaysay

May ipinadalang tanong sa akin ang isang bisita ng ederic@cyberspace, si Aryan: “Ano ang paraan o pamantayan sa pagsulat ng isang sanaysay?”

Eto ang mga personal na tips na ipinadala ko sa kanya:

  • Kapag nagsusulat ng sanaysay, makatutulong kung gagawa ka ng balangkas (outline) para maisaayos mo ang daloy ng mga ideyang nais mong ilagay sa sanaysay.
  • Isaaalang-alang sa pagpili ng tono ng iyong pagsusulat ang iyong mga mambabasa.
  • Laging tiyaking tama ang iyong grammar. Tiyaking tama ang pagbaybay at wasto ang paggamit ng mga bantas, gayundin ang angkop na paggamit ng mga salita.
  • Mas kaayaayang basahin ang mga pangungusap na buo. Dapat ay magkakasama sa iisang talata ang mga pangungusap na iisa o magkakaugnay ang diwa o ipinahahatid.
  • Kung para sa klase sa paaralan ang sanaysay, itanong sa guro kung gaano kahaba ang ipinapasulat na sanaysay.
  • Kung para sa online publications tulad ng Tinig.com ang sanaysay, mas okay ang maiikli at diretsahan. Maganda ring gumamit ng maiikling pangungusap at talata. Mahirap kasing basahin sa computer ang mahahabang bloke ng teksto.

Ang larawan ay mula sa pixabay.com.

144 thoughts on “Tips sa pagsusulat ng sanaysay

  1. hmm.. kuya tatanung ko lang po .. ano ba ang mas magandang introduction. ano po ba dapat ang nilalaman nito ? tanung po ba? quotation po ba ? o ano po ? :)) salamat po

  2. gusto ko poh mag patulong sa Assay namin kinakabahan poh ako kpag gagawa ako nito paano poh ba makagawa nang isang Sanaysay na mahaba at mgnda plsss help me

  3. kua…

    buo puh bua ang impormasyong ibinigay muh..

    kelangan koh kc ng buong paliwanag eh…

    panu bua maglagay ng mga indentions at tamang gamit sa paunang salita??

    anu-ano ang mga bawal gamitin na salita??

    kgaya ng ANG,AKO at SAKIN?????

    sana mabigyan nyo kagad akuh ng kasagutan!!

    ipdla nyo nlng ung ksagutan muh sa email koh sa facebook..

    GODBLESS SAYO!!

  4. pwede po bng mgpatulong sa pg gawa ng sanaysay,,
    actually 5 na sanaysay anh kylangan ko,, and kylangan ko na rin po ito sa saturday morning..eto po ang mga topic namin,,
    1.ano ang mabuti at di-mabuting epekto ng pakikipagbarkada.
    2. paano mo mapapangalagaan ang inang kalikasan.
    3.ano-ano ang mga katangian ng isang mabuting anak.
    4.bilang OSY(out of school youth)/Adult, paano ka makakatulong sa ating bansang pilipinas.
    5.sa pagdating ng kalamidad,paano ka makakatulong sa iyong kapwa.

    and sa totoo lng po, di rin po ako marunong mgbalangkas!!
    sana po matulungan nyo po ako
    thank’s in advance po!!!! 🙂

  5. can u give me an example of an essay about “product standards” bout 800 – 1500 words…. but in tagalog form. i just need some ideas. pls help me out thank you. just email it to me. thanks again

  6. â¥â¥_actually, i’m looking for the “mga uri ng pagsulat”.. assignment ko kasi un.. .
    tapos tamang tama din na gumagawa ako ng sanaysay nung mabuksan ko tong website na to..
    =) patapos na ako but then, nung binasa ko ung mga tips mo gumawa ulit ako ng bagong sanaysay and i came up with a much better output..
    =) thnx.. kaunti lang yung tips mo pero it was enough para maging maganda ang isang sanaysay.._â¥â¥

  7. hello po!

    nais ko lang po magpatulong sa pag gawa ng isang magandang sanaysay na ang laman ay tungkol sa wikang Filipino at wikang Ingles. gusto ko po sana na maipakita ang kahalagahan ng parehong wika sa buhay ng mga tao esp. mga Pilipino. nais ko pong ilagay ang paraan kung paano ito ginagamit ng mga tao sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. sana naman po ay ako’y iyong magabayan sa pagtuklas kung ano ba ang mas magandang isulat na sanaysay.

    isang napakalaking pasasalamat,
    reader {soon to be a writer :)}

      1. usualyy pag gagawa ng isang sanaysay or “essay” kailangan meron qoutation ang iyong title at kung gagamit ng hiram na salita dapat naka qoute din ito…. at kung gagawa ka ng isang introduction o panimula dapat batay sa title na iyong naisip o naibigay sau at pag sa katawan na ay dapat hindi lumayo ang iyong isinusulat sa iyong introduction,sapagkat lahat ng mga sinabi mo sa iyong introduction ay susuportahan mo sa iyong katawan sa sanaysay… at dapat kung nasa onklusyon ka na dapat maganda ang timing ng body at conclusion at dapat may magandang pangwakas …

      2. usualy pag gagawa ng isang sanaysay or “essay” kailangan meron qoutation ang iyong title at kung gagamit ng hiram na salita dapat naka qoute din ito…. at kung gagawa ka ng isang introduction o panimula dapat batay sa title na iyong naisip o naibigay sau at pag sa katawan na ay dapat hindi lumayo ang iyong isinusulat sa iyong introduction,sapagkat lahat ng mga sinabi mo sa iyong introduction ay susuportahan mo sa iyong katawan sa sanaysay… at dapat kung nasa konklusyon ka na dapat maganda ang timing ng body at conclusion at dapat may magandang pangwakas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *