Malungkot na balita na naman. Noong isang araw, kakatanggap ko lang ng text message na humihingi ng mga panalangin para sa batikang peryodistang si Teodoro “Teddy” Benigno na noo’y nasa malubhang kalagayan daw. Kaninang umaga, pumanaw na siya.
Kilala siya ng marami bilang kolumnista ng Philippine Star. Isang beteranong peryodista, matagal siyang naging Manila Bureau Chief ng Agence France-Presse, at naging press secretary at spokesperson ni Pangulong Aquino.
Isa rin siya sa mga pinuno ng Bangon! kasama si dating Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona. Nang umalis itong huli upang sumama sa kampanya ni Fernando Poe Jr., sa pagkadismaya ay tinawag ni Benigno na “trapo” si Guingona.
Noong 1950s, bilang isa sa mga peryodista at lider ng unyon sa Philippines Herald, isa siya sa mga inaresto ng Military Intelligence Service dahil sa pagiging “subersibo.”
Noong 2002, isinangkot din siya sa Freedom Force na umano’y balak na patalsikin si Gloria at palitan ng isang junta.
Kasabay ng pagpanaw ni Teddyman, ginapi naman ng sakit na malaria si Reyster Langit. Nagluluksa ang mga mamamahayag sa Pilipinas.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.