Habang binabasa ang mga feedback sa Bio-Data episode tungkol kay Bro. Eddie Villanueva na ipinalabas kagabi, medyo natawa ako sa comment na ito ni fatgrrl_slim sa PinoyExchange:

The single most hilarious comment I’ve ever heard in a long, long time was Speaker Joe de Venecia’s explanation kung bakit naiyak si Pres. GMA nung hindi pumayag si Bro. Eddie na umurong sa kandidatura nya bilang presidente:”Tears of joy yun.”

Tears of joy daw oh! 😆


Eto pala ang ipiaakalat naming paanyaya para sa episode kagabi:

Itinuturing ng ilan na nuisance candidate, pero kahit ang administrasyong Arroyo tila kabado sa pagtakbo ng dati’y kaalyado at taga-suporta.Siya si Bro. Eddie Villanueva, lider ng Jesus Is Lord Movement.

Relihiyon man ang base ng kanyang suporta, nilinaw na ni Bro. Eddie na hindi ang pagiging lider ng JIL ang dahilan ng kanyang pagtakbo kundi ang pagmamahal sa bayan.

Di na bago para sa kanya ang makisangkot sa pulitika. 1992 nang i-endorso ni Villanueva si dating pangulong Ramos at 1998 naman nang i-endorso si Speaker Joe De Venecia at ngayo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Pero di pala dito nauugat ang kanyang pagkamakabayan. Bilang isang aktibista, noon pa ma’y sanay at gamay na raw ni Bro. Eddie ang pagtalakay sa mga isyung panlipunan.

Ito at ang pangunguna sa JIL ang ilan sa mga maaaring ipagmalaki ng relihiyosong lider.

Pero kung sasapat ba ito ay nasa paghuhusga na ng mga botante.

Kilalanin at kilatisin si Villanueva at ang kanyang BioData, ngayong Martes ika-20 ng Enero, 11 PM pagkatapos ng SAKSI!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center