Habang isinusulat ito, bagamat nagkaroon ng pagsabog sa Glorietta 2 sa Makati na ikinamatay ng 11 katao, hindi pa rin matapus-tapos ang mainit na usapin ng umanoâ€y suhulan sa Palasyo ng Malakanyang na naganap matapos makipagpulong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga gobernador at congressman ilang linggo na ang nakakalipas.

Si Father Ed Panlilio, ang matuwid na gobernador ng Pampanga, ang nagsiwalat na nabigyan siya ng pera sa Palasyo pagkatapos ng nasabing pulong. Sinabihan daw siya ng kanyang aide na pagkatapos ng pulong ay mamamahagi ng perang magagamit para sa mga proyekto sa baranggay. Kaya naman nang iniabot ng isa pang gobernador sa kanyang aide ang pera, tinanggap nila ito. Kalaunan, sinabi ng paring gobernador na mukha ngang suhol ang ipinamahagi sa kanila. Sumulat na siya sa Malacañang upang humingi ng paliwanag. Itinanggi naman ng Palasyo ang pamamahagi ng pera.



Read more »

Ederic Eder

Filipino blogger

Join the Conversation

2 Comments

Your email address will not be published. Required fields are marked *

  1. Hello,
    I am Jerome Herrera. I am the owner of Pinoy Penster Community, a website for Amateur and Professional Filipino Writers. I was wondering if we could exchange links. This will give your blog/website a wonderful opportunity to be exposed to our hundreds of visitors everyday. If you are interested, please email me at jeromeherrera2006@gmail.com. Pinoy Penster Community is located at http://penster.fyi.ph