- ederic.net - https://ederic.net -

Sina Sam Milby at Catriona Gray na ba?

May post si Kapamilya actor Sam Milby sa Instagram na tila pag-amin na karelasyon na niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa picture ni Sam kasama ang isang babae, naka-tag si Catriona. “Worth every second of the wait. Most special birthday yet ❤,” ang sabi niya sa caption.

Ika-36 na birthday ni Sam kahapon.

View this post on Instagram
[1]

Worth every second of the wait. Most special birthday yet ♥ [1]

A post shared by Sam Milby [2] (@samuelmilby) on


Noong isang taon, itinanggi [3]ng manager ni Sam na may relasyon ang Pinoy Big Brother [4] alumnus at ang beauty queen.

Masaya naman ang mga kaibigan at mga tagahanga nina Sam at Catriona para sa dalawa.

Dahil sa post ni Sam, pumasok sila ni Catriona sa trending topics ng Twitter. Naging trending topic din ang dating kasintahan ni Catriona, ang Filipino-German actor na si Clint Bondad. Si Clint ang very supportive na boyfriend ni Catriona noong kandidata siya sa Miss Universe. Naghiwalay sila pagkatapos ng beauty pageant.

View this post on Instagram
[5]

@catriona_gray you have the whole arena behind you ❤ Go get it! Since the very day I met you in Baguio in that tiny elevator when we merly were just kids I knew that you are different. You felt untouchable. Like I met someone specific but couldn’t figure out who it was. Never met a more intelligent woman in my life. You seem to capture the stars and are simply a creator by heart. You are a specialist made to move the world. A rocket breaking through the atmosphere bringing back a piece of heaven. Words will never be enough to capture who you are… I know this is a huge day but this will literally just be the beginning. Special thanks to @jhay.layson for the amazing outfit 🤗🤗🤗 [5]

A post shared by Clint Bondad [6] (@clintbondad) on


May mga tagahanga sina Catriona at Clint na parang nanghihinayang pa rin. Pero sabi nga nina Ignacio Bunye at Harry Roque, “Let’s move on.”

Nalink [7] din dati si Catriona sa Kapuso actor at Philippine box office king na si Alden Richards [8].

Si Catriona ang ikaapat na Miss Universe titleholder ng Pilipinas.

Catriona Elisa Magnayon Gray ang buong pangalan niya. Tandaan na Gray — hindi Grey — ang apelyido ni Catriona. Hindi niya kamag-anak si Christian Grey.