Susunod sa Biodata…. si Fernando Poe, Jr. aka FPJ with Ms. Jessica Soho as episode host.

Sino nga bang Pilipino ang hindi nakakakilala kay Fernando Poe Jr? Tinag-uriang “Hari ng Pelikulang Pilipino.” Naging bantog siya sa daigdig ng pelikula bilang Ang Panday, Asedillo, at Totoy Bato. Gaya ng kanyang kaibigang si dating Pangulong Joseph Estrada na ang pampublikong buhay ay pinanday rin sa showbiz, ang mga karakter na ginagampanan ni Da King ay laging inaapi ngunit sa huli’y bumabangon at lumalaban.

Ngayon, naghahangad na rin si Da King na makuha ang pinakamataas na trono sa pulitika. Sa kanyang pagpalaot sa larangan ng pulitika bilang kandidato sa pagkapangulo ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino, sinalubong si FPJ ng kung anu-anong kontrobersiya : Nariyang hindi raw siya karapat-dapat na maging pangulo dahil sa kakulangan ng edukasyon at karanasan…Na ang una niyang gagawin pagkaupong Pangulo ay ang gawaran ng presidential pardon ang nakakulong na kaibigang si Erap… O kaya’y ang pinakahuling ang alegasyong hindi raw siya totoong Pilipino.

Sino nga ba si FPJ ? Alamin ngayong Martes ng gabi sa BIO-DATA, pagkatapos ng Saksi !


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts