Sa Alaala ni Shaider

Kilala n’yo ba si Shaider, ang pulis pangkalawakan?

Noong maliit pa ako, dahil wala kaming sariling TV ay nakikipangapit-bahay ako para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni Shaider sa mga tauhan ni Phuma Lear, at para na rin masilip ang panty ni Annie. Para sa akin, ang galing-galing ni Shaider (o Alexis kapag hindi pa nagta-transform) at ang ganda-ganda ni Annie.

Tinuruan din ako ng ilang mahahalagang bagay nina Shaider at Annie, gaya ng mahigpit na pagkapit sa katuwiran at ang pagtataguyod ng kalayaan. Buong giting nilang ipinagtanggol ang daigdig mula sa mga dayuhang (as in aliens from outer space) mananakop. (Siguro partly responsible sina Shaider at Annie kung bakit naging anti-imperialist ako at tuwang-tuwa sa nakikita ko ngayong pagtayo ng milyon-milyong tagadaigdig laban sa di-makatarungang plano ni Lear, este, ni G.W. Bush pala!)

Kamakaila’y nalungkot ako sa natanggap kong e-mail na nagbabalitang patay na raw si Shaider. Nang binasa ko ang Google-translated site na binabanggit sa email, nalaman kong noong Hulyo 24, 2001 pa pala pumanaw sa edad na 37 dahil sa kanser sa atay si Hiroshi Tsuburaya, ang artistang Hapon na gumanap na Shaider.

Sabagay, hindi mismong si Shaider o Alexis ang namatay pagka’t ang karakter ay maaaring gampanan ng iba pero nakalulungkot pa ring isipin na yung “idol” mo dati ay tepok na pala.

Gayunpaman, ang magiting na si Alexis/Shaider ay mananatiling buhay sa alaala ng mga tagahangang kagaya ko.

(Ang mga larawan ay mula sa http://membres.lycos.fr/gyaban/hommage.htm at sa http://gyaban.tokusatsu.org)

194 thoughts on “Sa Alaala ni Shaider

  1. august 10, 2009 when i gave birth to my son, inisip ko kung ano ang ipapangalan ko sa kanya at dahil paborito ko si shaider, Alexis ang ipinangalan ko sa kanya. Nong isang gabi nagthrowback kami ng aking kasamahan sa work ng biglang napag-usapan namin si Shaider,bioman at maskman, nagtawanan kami na paborito rin pala kami ng paborito nong mga bata pa kami. Sabi ko nga kaya Alexis ang name ng anak ko dahil paborito ko si Shaider. nagtanungan pa kami kung ano ang tunay na name nya, ini-advice nya ako na i-google, nagulat ako ng nabasa ko ang info na to na patay na pala. Nag-download ako ng mga picture nya para ipakita sa kasama ko kung ano talaga ang hitsura nya.

  2. syang nman ang gling p nman nya gumanap bilang shaider,dko rin un malilimutan kc bukod sa kapangalan ko kcng cute pa cia at bta pko cnubaybayan ko talaga ang SHAIDER !!!!

  3. Hi guys!

    Like most of you big fan ako ni shaider. Gusto ko magpagawa ng damit na blue na ginamit ni alexis. Di naman kumplikado yon di ba? May alam ba kayong pwedeng mapatahian? Yung white pants naman madali na yon. Gusto ko talaga magkaroon ng damit ni alexis. Baka yung iba jan interesado rin hehe.

    At baka may mga girls jan na trip din gayahin yung damit ni annie. Ang ultimate trip ko is maglakad sa mall suot yung damit ni alexis and then tignan ko kung mapapansin ng mga tao, lalo na yung mga fan talaga ni shaider.

    What do you think? Sa mga may ideya kung saan pwede magpatahi email niyo ako sa archangelseraph@yahoo.com

    Thanks!

  4. guys HINDI pa ata sya PATAY. ito ata sya oh. may ginawa pa syang movie.. chrome://newtabhttp//www.youtube.com/watch?v=cZLmSGb4uHw&feature=youtu.be replyan nyo ko. kung ano sa tingin nyo. kung sya ba yan 😀

  5. Tama!!! Sana ipalabs ulit ung mga dting sinaunang anime…Lalu nah ung Mask Rider Black Rx…At xempre,,higit s lhat ung Shaider…Nka2miss kc ung mga anime nah un,,n-aalala qoe ung kbataan qoe kpg pinapa-ul8 ul8 qng p-nourin d2 un s comp qoe mga dinown load qoe pah s internet…N-ka2inis nga kc d qoe mdown load ung episode nang Shaider…Galing nung ng post nung mga pic nung mga gumanap nung mga anime ang ta2da nah nila hehehe…

  6. ako si sherwin dizon ako naaalala ko parin si shaider at annie kasi noong maliit pa kami ay palagi namin pinapanood na walang absent pati yung mga chodenshi bioman,hikari sentai maskman,shaider,masked rider black,at machine man paborito lahat yan kaya wish ko sana ipalalabas dito sa virginia beach ang mga yan para mapapanood ko pa sila.naaalala ko rin si annie gusto ko pa pag gumagawa siyang tecnique sa mga kalaban.at saka pag nagmi mail ako sa website ng chodenshi bioman sinasabi ko i want to have a chodenshi bioman,hikari sentai maskman ,shaider,kamen rider black,at machine man in virginia beach cox cable vision pero wala wala mang nangyayari hindi man pinapalabas dito…sige bye…bye…

  7. ako si sherwin dizon ako naaalala ko parin si shaider at annie kasi noong maliit pa kami ay palagi namin pinapanood na walang absent pati yung mga chodenshi bioman,hikari sentai maskman,shaider,masked rider black,at machine man paborito lahat yan kaya wish ko sana ipalalabas dito sa virginia beach ang mga yan para mapapanood ko pa sila.naaalala ko rin si annie gusto ko pa pag gumagawa siyang tecnique sa mga kalaban.at saka pag nagmi mail ako sa website ng chodenshi bioman sinasabi ko i want to have a chodenshi bioman,hikari sentai maskman ,shaider,kamen rider black,at machine man in virginia beach cox cable vision pero wala wala mang nangyayari hindi man pinapalabas dito…sige bye…bye…

  8. waaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!! patay na si shaider, pati rin ang isa sa gumanap ng zaido na si marky cielo namatay na rin! Parang ayoko nang manood uli ng shaider kc mamimiss ko lang sya. Mask rider black na lang kung pwede (pogi kasi ni MRB, si akizuki)

  9. Nakakalungkot naman na wala na ang ating hero na si shaider. na alala ko ng bata p ako na muntik pa akung buhusan ng kapatid ko ng kumukulong mantika dahil sa shaider, hindi ko kasi sinunod yung inuotos nya sana mag karoon tayo mga shaider fanatic ng reunion soon. with shaider theme. hehehehe kaka lungkot talaga. sensya na ngayun lang ako naka join sa shaider fan. masaya ako na marami tau. see you soon .

  10. Hiroshi Tsubaraya a.k.a. Alexis in Filipino will remain in our hearts forever. R.I.P. Idol!!! Your show shaider was totally destroyed by imitation made by ZAIDO!!!! No matter what…SHAIDER will remain in our mind and hearts forever!!! Long Live the 80’s kids!!!

  11. Does anyone know what happened to the MASKMAN Girls? Did they become porn stars too? Sana hindi naman, idol ko si Yellow Mask . . .

  12. well natatandaan ko napanood ko ang katapusan nito sa IBC 13 kasabayan nya pa dati ang bio man and then nagkaroon ng maskman , tapos mask rider black dun ko rin laging napapanood ang voltes five saka daimos , tapos yung kila eugene ghost fighter,ang galing ng IBC 13 dati kesa ngayon bitag na lng ang magnada , tapos sa channel nine yung oishi kauna unahang asianovela sa bansa na di- nub sa tagalog, 4 yrs later nagkaroon ng la traidora then sumolpot na si marimar natapos na rin ang mara clara sa channel two ,favorite ko pa ang kwarta o kahon dati,parang wowowee yun dati, laging ang daming prizes saka battle of the brains and also takeshi castle yung kina smokey manoloto sa ibc din hindi yun kasing baduy ng takeshi castle ng seven

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *