Sa Alaala ni Shaider

Kilala n’yo ba si Shaider, ang pulis pangkalawakan?

Noong maliit pa ako, dahil wala kaming sariling TV ay nakikipangapit-bahay ako para lamang mapanood ang pakikipaglaban ni Shaider sa mga tauhan ni Phuma Lear, at para na rin masilip ang panty ni Annie. Para sa akin, ang galing-galing ni Shaider (o Alexis kapag hindi pa nagta-transform) at ang ganda-ganda ni Annie.

Tinuruan din ako ng ilang mahahalagang bagay nina Shaider at Annie, gaya ng mahigpit na pagkapit sa katuwiran at ang pagtataguyod ng kalayaan. Buong giting nilang ipinagtanggol ang daigdig mula sa mga dayuhang (as in aliens from outer space) mananakop. (Siguro partly responsible sina Shaider at Annie kung bakit naging anti-imperialist ako at tuwang-tuwa sa nakikita ko ngayong pagtayo ng milyon-milyong tagadaigdig laban sa di-makatarungang plano ni Lear, este, ni G.W. Bush pala!)

Kamakaila’y nalungkot ako sa natanggap kong e-mail na nagbabalitang patay na raw si Shaider. Nang binasa ko ang Google-translated site na binabanggit sa email, nalaman kong noong Hulyo 24, 2001 pa pala pumanaw sa edad na 37 dahil sa kanser sa atay si Hiroshi Tsuburaya, ang artistang Hapon na gumanap na Shaider.

Sabagay, hindi mismong si Shaider o Alexis ang namatay pagka’t ang karakter ay maaaring gampanan ng iba pero nakalulungkot pa ring isipin na yung “idol” mo dati ay tepok na pala.

Gayunpaman, ang magiting na si Alexis/Shaider ay mananatiling buhay sa alaala ng mga tagahangang kagaya ko.

(Ang mga larawan ay mula sa http://membres.lycos.fr/gyaban/hommage.htm at sa http://gyaban.tokusatsu.org)

194 thoughts on “Sa Alaala ni Shaider

  1. Due to a mere curiosity, i made a research about the man behind my childhood hero, “Shaider”. It glanced in my memory that Alexis, then, was partially bald. So, what came into my mind is that he’s definitely old now. I’d thought that he’s Grandpa now. Unfortunately, just a couple of days from now, i found out that he already passed away (how sad!!!). He’s actualy younger than what i’ve thought. Noone can replace SHAIDER as my childhood hero, he became part of my daily routine during my early years. ..

  2. haysss….. 26 na ako ngayon pero gusto ko parin manood ng mga ganyang series. Naalala ko nung 13 palang ako nun nung pinapalabas pa yan sa channel 13 pa (naabutan niyo ba yun?) pagkatapos niyan eh mask man tapos nun machine man….yun ay pag sabado… pag linggo naman eh shader muna tapos bioman tapos mask rider black na…nakakamiss talaga yung mga movie na yan…favorite ko yung laging inuutusan ni phuma lear si Ida na buksan anf time space warp…

    Phuma Lear: Ida, ang time space warp!!!

    Ida: Time space warp! ngayon din!!!

    hahahaha….. babilos!!!! haysss… kainis lang maaga siya namatay… disin sanay may remake na ng shaider at siya ang director….

  3. yup. i miss shaider too. long before i saw this blog entry, nagbakasyon ako sa shinju-ku nung november 2006. naka-inuman ko pa sa hotel lobby ang off-duty na manager. aliw sya sa pagka-shaider fan at super sentai fan ko (i was wearing gao red’s gao jacket; pinasadya ko sa camp crame). kay suuhichi (that’s his name; the hotel manager) na matagal nang wala si dai/hiroshi. ayun, iyak-iyak-iyak ako habang tumatagay/kamapi kami.

    yes, zaido sucks. walang binatbat ito sa orig shaider na 1984 pa ginawa. kahit panuorin k ang dvd ko ng jap version ng sahider, the suits and costumes still look WOW. iba talaga ang foresight at vision ng japan production team ng toei at toku.

    totoong bumagsak sa pagka-“soft porn” si annie or si naomi morinaga, sabi sa akin ni sir suuhichi. hindi naman kasi kagaya rito sa pinas na mayroon palaging mapaglalagyan ang mga artista. iba sa japan. sikat ka ngayon, baka bukas hindi na… at malamng hindi na talaga.

    for the record: sahider ang UNANG toku/toei show na naka-dub sa wikang tagalog (regardless whether it’s super sentai, metal hero or kamen rider). summer 1988 at sa ABSCBN ito unang pinalabas, kasunod sa saturday evening timeslots ng bioman at daimos. (bioman was the last super sentai to be dubbed in english by a filipino cast; maskman was the 1st sentai to be in tagalog, followed by turborangers in 1993, fiveman in 1994, jetman i 1995 and goggle five in 1997; technically, JETMAN is the lst toku/toei super sentai show to be aired in tagalog. i just forgot bout JIBAN and MACHINE MAN kung what years ito inere sa IBC13).

    we all miss dai sawamura / hiroshi tsubaraya. isa siyang icon na mananatiling buhay sa puso ng mga 1988 original shaider fans!!!

  4. paano ko nalamang patay na siya? nanood kasi ako ng shaider opening theme sa you tube, at nabasa ko ang nakapaskil na comment na patay na raw si hiroshi. so niresearch ko, at it’s true… napaiyak tuloy ako… i’m gonna miss him…

  5. ngayon ko lang nalamang patay na pala ang idol ng bayan na si hiroshi tsuburaya o iyong gumanap na alexis sa shaider. it’s been almost seven years! anak ng…bakit kasi walang nagreport nito sa kahit saang tv stations ng pinas?! eh di sana lumipad ako papuntang japan! grrrrr…!

    wala pa akong nakikitang superhero na kasing guwapo o higit pa kay alexis, megacrush ko nga siya way back elementary eh. i can’t forget his so damn cute face and machism, at kahit sa latest pic nyang kuha noong 2000, very natural talaga ang pagkapoooooogi niya.

    sayang talaga. pero…well, that’s life eh. kung may anak siyang lalake, eh abangan na lang natin ang paglitaw ng tunay na anak ni shaider, dahil hindi naman sina dennis trillo ang angkan nya noh? kzzzzzzt!!! ang taray ng gumawa ng zaido ah?

  6. Ang mamasasabi ko lang papable tlga c Shider

    ::Shaider or HIROSHI TSUBURAYA in real life died July 24, 2001

    Actor Hiroshi Tsuburaya died of kidney failure at age 37. He was the grandson of legendary director Eiji Tsuburaya (Gojira/Godzilla). Mr. Tsuburaya appeared in the TV series “Ultraman,” the character that was created by his grandfather.

    ::Ani ‘s real name is Naomi Morinaga

    Birthdate: 3/12/1965
    Birth Sign: Pisces
    Birth Place: Kanagawa, Tokyo, Japan
    Blood Type: O
    Height: 167 cm (5.5 ft.)
    Weight: 52 Kg (114 lbs.)
    Measurements: B87cm-W60cm-H89cm (B34 in.-W23 in.- H35 in.)

    Sci-Fi/Tokusatsu Roles:
    Akai Bara Kamen/Baramonga Dai Sentai GoggleFive – Toei/TV Asahi, 1983) –Episode 22
    Annie (Uchu Keiji Shader – Toei/TV Asahi, 1984)
    Helen/Helen Lady/Hellvira (Jiko Senshi Spielban – Toei/TV Asahi, 1986)

  7. Yeah naalala ko itong series na to, supposed to be sequel ung Zaido but it sucks! Costume pa lang wala na, How I miss Shaider, sayang dead na ung gumanap nito, ang alam ko namatay sya due to liver disease. Ung Actress naman na gumanap na Annie eh naging Bold Star sa Japan after nung series. Oh by the way ung gumanap na Ida eh isang male actor, sya rin ang gumanap na Birugenia sa Kamen Rider Black (Ung antagonist na may sword at shield na later napatay ni Shadow Moon). He was portrayed as a female dito sa atin.

  8. NAALALA KO EPISODE NA NAGKA-SIPON SI FUMA LEY-AR AT NUNG HUMACHING CYA LUMABAS YUNG MARAMING PUNLA. ANG GINAWA NI IDA, BINENTA YUNG MGA ITLOG “FUMA FUMA” NA NASA LATA. MARAMI RENG HAPON ANG BUMILI. hahaha. matagal na kong nagoyo ng idang yan. kala ko dati babae, pero i knew something was wrong dahil bading nga boses.

    PERO SAY NYO, WALANG SINABI ANG MGA ORIGINAL NA AMAZONANG MGA MUKHANG KATULONG (SORRY PERO TOTOO) SA BAGONG MGA AMAZONA SA ZAIDO CHANNEL 7. HEHEH MAS MAGAGANDA MGA PINAY.

  9. ang jiban daw ay gagawan ng remake ayon sa info sa wikepedia.Si Markie Cielo daw ang gaganap na jiban…ano ba yan nung una shaider,ngayon jiban naman.Naku mabuti pa hwag nalang ninyong gawin ang mge remake -remake na yan…dahil matapos kung mapanuod ang lupin ay talagang wala pa ring pagbabago, low budgeted pa rin. Nabalitaan ko rin na kahit ang ABS ay may planong i-remake ang MASKMAN starring Gerald Anderson as Micheal joe at si Kim chiu(nalimutan ko kung sino sya) na ipapalabas daw by next year, mga 2nd month daw(Nalilito ako kung dalawa lang sila,kasi dalawa lang nilagay ng nag pose sa U-tube). Ewan ko kung ano ang kalalabasan ng mga ito, sigurado ako na lalayo nanaman to sa main genre ang mga to.

    MAS MAGANDA TALAGA ANG JAPANESE PRODUCTION,mula sa props, stunts,actor/actress,at
    storyline ay talagang pinaghirapan…at sana kayong mga pilipino producers, mga writers kailangang
    gayahin nyo ang paraan ng pagpalabas ng hapon kung magnais kayong gumawa ng mga ganitong show/series

  10. sad naman ang tungkol kay alexis. dati pinapanood ko ang maskman and shaider back to back. i’m so happy nakita ko ulit sa youtube! mejo freaky lang ng konti ang mga chants ng mga kampon ni phuma. hehe. napanood ko rin ang video ng recording ni tetsuo kurata (mask rider black). sya pala kumanta ng theme song nya. astig! meron po bang may info about maskman? where are they now? hirap maghanap ng info sa google.

  11. hehehehe time space ward ngayon din yan ang natatandaan ko hehehe sa channel 13 pa ata cla nun hehehehe ang sya tlgang balikan ang nakaraan…..

  12. lahat ng mga SENTAI na napapanood ngayon

    ay ina_ adapt na as POWER RANGERS.Hindi ko talaga

    gusto ang istorya,para kang nanonood ng sweet

    valley high o sabrina.Pangit ang istorya pambata

    talaga…Sana ABS o GMA kumuha ng SENTAI series

    direct sa japan…dahil pangit talaga ng

    AMERIKAN version…

    Ang gusto ko sa shaider yong kapag nilalabanan

    ang kalaban ay pumunta sila sa ibang dimensyon

    kapag inaktibeyt na ang time warp zone.Ang pinaka

    gusto ko ay yung finishing moves niya na umiilaw

    espada niya

  13. hi….im one of the avid fun of shaider, bioman, marsk rider black..saka meron ding isa pang ganitong format na program..yung 5 members din cla na may mga kulay ang suot..d ko lang tanda kung ano nae ng program maganda din yun…anyway kung ask nyo kung meron bang nakapanood ng final episode of shaider. meron po…mapa2nood nyo sa http://www.youtube.com…type nyo sa search final episode of shaider…makita nyo 3parts cya…pagtyagaan na lang ninyo kc d nyo maintindhan ang salita nila…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *