Eraserheads Live!: The Final Set

Hindi kami nakapunta sa unang reunion concert ng Eraserheads noong Agosto. Masyado kasing malapit sa payday yung date ng concert. Nakibalita na lang ako noon sa Internet, nagulat nang maputol ito, nag-alala dahil sa nangyari kay Ely Buendia. Read more

Francis Magalona, 44

Nang pumanaw si Francis Magalona noong March 6, gaya ng marami ay nagulat at nalungkot ako. Ang inaasahan ko'y mababalitaan na lang nating magaling na siya at naghahanda nang lumabas sa ospital. Ngunit iba ang nangyari. Pero sa gitna ng pagluluksa ng bansa, lalo namang nangibabaw ang impluwensiya ni Francis M sa henerasyong ito. Binaha ng comments ang kanyang blog at napakarami ng…

Bakit dapat mag-sorry?

Sana nga, totoong nagbibiro lang si Pangulong Cory Aquino nang mag-sorry siya kay Erap dahil sa naging papel niya sa pagpapatalsik sa dating pangulo noong EDSA 2. Noong 2005, nang sabihin ni Tita Cory na pinagsisisihan na niya na nakatulong siya sa pagkakaluklok ni Gloria Arroyo sa puwesto, ganito ang bahagi ng isinulat ko: Pero kahit naiintindihan ko ang feelings ng iginagalang na dating…

Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino

"In exchange for a smattering of English, we yielded our souls." -- Renato Constantino, The Miseducation of the Filipino Binitawan kamakailan ni Binibining Pilipinas-World Janina San Miguel ang kanyang korona dahil daw sa ilang personal na dahilan. Dati nang may mga nagpetisyon sa Internet na palitan siya bilang kinatawan ng bansa sa Miss World dahil sa kakulangan niya ng kakayahang…

Ang "Pagbabago" ni Mr. Shooli

Nakakairita yung patalastas sa telebisyon ni Jun Urbano -- na mas kilala bilang Mr. Shooli -- tungkol sa pagbabago. Sumunod daw sa batas at magbayad ng tamang buwis. Nang mapanood ko ang bahaging nagsasabing ang mga negosyante'y dapat magbayad ng tamang buwis, ang naisip ko'y maski magbayad sila ng tamang buwis, kung mga kurakot ang mga nakaupo, wala ring kuwenta. Pero may idinagdag din naman…

Si Janina San Miguel at ang misedukasyon ng Pilipino

Mula sa blog ni AJ, nalaman kong may petisyon na pala para palitan si Janina San Miguel bilang Binibining Pilipinas-World. Para sa maraming Pilipino, tila bukod sa boksing ay mga patimpalak ng kagandahan na lang yata -- at ang husay sa pagsasalita sa English -- ang pag-asa ng bansang ito. Gustong palitan ng mga may-akda ng petisyon si Janina dahil sa kakulangan niya ng kakayahang mag-English, na…