May komentaryo ngayon sa kanyang website ang kilalang columnist na si Dean Jeorge Bocobo tungkol kay Pangalawang Pangulong Guingona. Isinulat niya ang tungkol sa pagiging bisita ni Guingona sa isang political talk show kagabi sa gitna ng kontrobersiyang Jose Pidal. Sabi niya:
I thought it was somewhat OMINOUS that the Vice President has made two major appearances on television these past few days.
Ipinadala ko kay Bocobo ang sumusunod na reaksyon:
Sa kabilang banda, maigi na rin pong maaga pa ay makita na ng mga mamamayan ang kahandaan ng pangalawang pangulo na gampanan ang tungkuling inaatang sa kanya ng Saligang Batas kung sakaling ang kasalukuyang kontrobersiya ay humantong sa isa na namang People Power–na sa takbo ng mga pangyayari ay hindi nalalayo.
Na si Guingona, ika ninyo, ay dumidistansiya na sa administrasyon, ay pagpapakita ng kanyang pagkakaiba kay Gloria Macapagal-Arroyo. Bilang pangalawang pangulo ni Joseph Estrada, si Macapagal-Arroyo ay bumitaw lamang sa gabinete ni Estrada noong abot-tanaw na ang wakas ng rehimeng nakabaon sa katiwalian. Sa kabilang banda, si Guingona–na bago ang People Power 2 ay senador pa lamang at matatandaang pinakaunang mambabatas na nagtawag ng pagbibitiw ni Estrada–ay umalis na sa gabinete ni Macapagal-Arroyo noong isang taon pa dahil sa di niya pagsang-ayon sa mga patakarang panlabas ng pangulo na kilalang tagapagsalita ni US President George Bush sa Asya.
Tama po kayo. Mahigpit na tinutulan ni Pangalawang Pangulong Guingona ang mga patakaran ni Macapagal-Arroyo sa mga usapin kaugnay ng US, Iraq, digmaan, at terorismo.
Sa pakikipag-ugnayan sa US, samantalang ang pangulo ay tila alilang tango lamang nang tango, ang ninanais ni Guingona ay pantay na pagkakaibigan ng dalawang malayang bansa: “Manuel L. Quezon, our vibrant President of the past, once said, ‘I bow to no man because I am free, but I bow to God because I am a Man!’ In the same vein, I say we are partners. We are friends. But we are not vassals,” wika niya sa isang talumpati sa US embassy noong Hulyo 4.
Sa usapin ng pananakop ng US sa Iraq, samantalang si Macapagal-Arroyo ay kumampi sa “Coalition of the Shameless” ni Bush (at nauto ng mga kasinungalingan tungkol sa hindi pa rin natatagpuan at malamang ay di na matatagpuan weapons of mass destruction), si Guingona ay pumanig sa mga mamamayan ng mundo na nagmamahal sa kapayapaan at gumagalang sa kasarinlan ng malalayang bansa.
At habang si Macapagal-Arroyo ay patuloy na nagdedeklara ng todo-todong pakikidigma sa Moro Islamic Liberation Front at nagbabansag na terorista ang New People’s Army, si Guingona ay maingat na nagpapaliwanag ng pagkakaiba ng mga rebelde (MILF at NPA) at terorista (Abu Sayyaf) at nagsusulong ng usapang pangkapayapaan.
Maidagdag kong habang ang kasalukuyang administrasyon ay lulong sa ilusyong pag-unlad na dala ng globalisasyon, si Guingona ay nananawagan ng pagpapalakas ng lokal na mga negosyo at pagtatanggol sa ating pambansang patrimonya.
Sa gitna ng lahat ng iyan, hindi ba sa halip na “ominous,” ay tila magandang senyales ang pagiging visible ngayon ng pangalawang pangulo?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
ANG SAAKIN LANG!!!!! Kung hindi sana sinuportahan ni Gloria ang Amerika sana hindi tumaas ang bilihin ngaun
salamat sa inyong mga komento, Jet, mart, at Apol. Narito ang sagot ni Dean Jorge Bocobo, nai ipino-post ko sa kanyang pahintulot:
Nasa ibaba naman ang sagot ko:
sapul na sapul mo ederic! ibang klase ka tlaga! nagreply na ba sya?
sabi nga nung isang napanood ko kagabi sa tv (i forgot the old man’s name na magpa-file ng impeachment complaint laban kay ‘tsinelas’, walang probisyon sa saligang batas na nagbabawal na pagpalit ng rehimen kahit na palapit na ang eleksyon. may urgency nang magpalit ng bihis ang gobyerno. at ang pagluluklok kay guingona ang sagot dito.
May sagot ba si Bocobo?
Eto ang gusto ko sa site mo e. At least nalalaman ko ang mga samot-samot na opinyon ng mga tao, hindi lang mga tsismis, hindi lang mga kontrobersya. At least sa kababasa ko dito at sa site ni Martino, pag may nagtatanong saken kung kumusta sa Pinas, mas marami akong makukuwento bukod sa ‘okay lang.’
Salamat Ederic.