Sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga balita ng pagyurak sa kasarinlan at iba’t ibang usapin ng corruption at pamumulitika sa pamahalaan, sumusulong din naman ang tinatawag na People Power. Sa kanyang kolum kamakailan ay binanggit ni Teddy Casino, lider ng Bayan, ang muling pagsasama-sama ng mga aktibistang lumaban kay Marcos sa organisasyong Bagong Bandila sa pamumuno ni Pangalawang Pangulong Tito Guingona bilang halimbawa ng pagsulong ng People Power.

“It shall be a progressive alliance of the democratic forces; of liberal democrats; of Christian democrats and of democratic socialists/social democrats and other democratic forces. It shall be an alliance of democratic organizations that adhere to Bandila?s vision, principles and goals,” ayon sa layunin ng Bandila.

Sa kanyang talumpati noong Nobyembre 27, nang pormal na ilunsad ang Bagong Bandila sa Club Filipino, binigyang-diin ni Guingona ang pagbibigay-lakas sa batayang masa bilang panimula sa pagtatatag ng isang malakas na bansa.

“We must empower the people. Like you, I want a strong nation? but strength must stem from a firm foundation below. A strong edifice needs a strong foundation?empowered people. Most of our farmers and fisherfolks and workers in the rural areas have not gone beyond primary education,” wika ni Guingona sa kanyang talumpati.

Samantala, nabanggit din ni Casiño ang patuloy na pag-oorganisa ng mga Pilipinong manggagawa sa Hong Kong upang bantayan ang kanilang mga karapatan bilang isa pang patunay ng pananatiling malakas ng diwa ng People Power.

Dito sa ating bansa, maliban sa pagkakatatag ng Bandila, isa pang halimbawa ng patuloy na pagpapakita ng People Power ang matapang na sagot ng mga manggagawang ng gubyerno laban sa pagbabawal sa mga strike. Ang sagot ng mga government worker sa ganitong policy: strike!

Ederic Eder

Filipino blogger

46 replies on “People Power on the Rise”

  1. haller!!..kailngan ko po ng talumpati..tagalog po ha.yng d msyadong mahaba pro may sense.tnx..more power!!!

  2. haller!!..kailngan ko po ng talumpati..tagalog po ha.yng d msyadong mahaba pro may sense.tnx..more power!!!

  3. hey! need more talumpatis please, really needed it here… preferably short with sense and a little humor… sana may magdonate… thanks! thanks! thanks! c”, sana yung talumpati ni Erap paikliin, masyadong mahaba… kahit ilagay lang ang main points dun… yun kasi gusto ng teacher namin… thanks! ulit!

  4. helo po.. wel m new hir ,, kylngn ko po kc ng talumpati as in pls nmn po….. pa pst po ng talumpati…….. im begging……. tenks in advance po!!! truly appreciate it!!

  5. ang galing maraming humahanga sayo your the best i like your talumpati marami kang tatutulngan isa nako doon mag aaral ng iligan maraming salamat

  6. Wow! i’m really impressed, your work is brillant! amazing. Many people like us are looking for talumpati because it is a huge project to be done, thanks, please make more talumpati for the all of us, share your talent. your really good!

    merci vocu!!!

  7. dear,

    Sana may marami pa kayong talumpati na ipapakita dahil kinakailangan talaga ng mga mag-aaral ngayon….

    I louve you!!!!!!

  8. ang galing mo naman!!! project namin kc talumpati eh d me marunong gumgwa kya tiningnan ko ung gawa mo.your the best!!!

Comments are closed.