Naalala ko si Nonoy Marcelo. Sa komiks niyang Ikabod, nababanggit ang People Pawis. Nalimutan ko na ang ibig sabihin, pero parang ‘yun ang naiisip ko para tukuyin ang kasalukuyang kalat-kalat at magkakahiwalay, watak-watak at sali-saliwang pagtatangkang tipunin ang masa’t mga elitista upang patalsikin si Gloria.

People Pawis. Pawisan na ang kakarampot na masang nagmamartsa, pero ayaw umihip ng hangin ng pag-asang papawi sa kanilang pagkauhaw sa kasama at suporta ng iba. Pagod na nga ba ang tao sa People Power? O may may mga nawawalang salik tulad ng pakikiisa ng panggitnang saray ng lipunan?

Bagamat naniniwala akong totoong sa hinaharap ay matatapos nang wala sa panahon ang rehimeng Arroyo, naiisip kong sa pagkakataong ito, hindi People Power ang lalagot sa kanyang pamumuno. Kung ano iyon, hindi ko alam.

Kung hindi People Power, ano?
Kung hindi tayo, sino?
Kung hindi ngayon, kailan?

Ewan ko lang. Pagod na rin ako. Pero hindi pawisan kundi nilalamig. (Alang-alang sa katotohanan at sa paghahatid ng balitang walang kinikilangan at walang pinoprotektahan, alas dos na nang madaling araw kami nakauwi kahapon dahil sa pagbabantay sa mga pangyayari.)


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center